ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Ang mga bigatin sa talino at ganda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIGATIN SA TALINO AT GANDA
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: March 20, 2013




Nabusog sa nakaka-inspire na kuwento ang mga balita dahil sa tagumpay na nakamit ng mga bigating beauty queen na sina Jill Anne Parico, Bilbiling Mandaluyong 2013, at Dionisio Cruz Jr. a.k.a. “Marjorie del Mar," Beki Tabatina 2013!


Ano ba ang katangian ng isang tunay na beauty queen para sa dalawang reynang ito? Ano bang sikreto para magmukha pa ring sexy at ma-appeal kahit na ang isang tao ay overweight? May plano ba silang magbawas ng timbang para makasali sa mas malalaking beauty contest?   
 


Sa kanilang natatanging pagharap kay Igan Arnold Clavio, magpapakitang gilas din sina Jill Anne at Marjorie sa pamamagitan ng pagkanta at ng pagsayaw ng "Cha-Cha" kung saan makakasama nila ang ibang contestant ng Bilbiling Mandaluyong at Beki Tabatina.  
 
Sasabak rin sina Jill Anne at Marjorie sa mga challenge na susubok sa kanilang talino at lakas ng katawan! Abangan!   
 
Masaya at makabuluhang kwentuhan na naman ang hatid ng Tonight with Arnold Clavio kasama ang bidang heavyweight beauty queens ngayong Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV channel 11!