ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Korean Invasion: Jinri Park' sa Tonight with Arnold Clavio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KOREAN INVASION: JINRI PARK!
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: April 10, 2013


 

Kabilang siya sa “Top 25 Sexiest in the Philippines” ng isang men’s magazine noong 2012. Marami rin siyang nabibighaning tagapakinig dahil sa angking galing sa pagiging DJ sa radio! At ngayon, leading lady na siya ni “Bossing” Vic Sotto sa bagong sitcom na “Vampire ang Daddy Ko!" 

 

Dugong Koreano man, napamahal na raw kay Ms. Jinri Park ang Pilipinas kaya naman hindi nakapagtatakang minamahal na rin siya ng libu-libo niyang Pinoy fans.



Isang kakaibang food trip ang inihanda ni Igan Arnold Clavio para kay Jinri sa pagbisita nito sa Tonight with Arnold Clavio. Abangan kung paano niya sisikaping ma-engganyo ang mga kapwa niya Koreano para tikman ang mga masasarap na pagkaing Pilipino!
 
Malalaman din ang mga kuru-kuro at pananaw ni Jinri sa mga isyung panlipunan, patunay na kung gaano siya ka-sexy at kaganda, ganun din siya katalino!
 
At sa ngalan ng kanyang mga barakong tagahanga, aalamin din ni Igan kung anu-ano nga ba ang mga katangian ng isang lalaki na gustung-gusto ni Jinri.
 
Isang gabing puno ng masaya at makabuluhang kuwentuhan ang muling handog ng Tonight with Arnold Clavio sa April 10, Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!