ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'The Real Ara Mina' on Tonight with Arnold Clavio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
THE REAL ARA MINA
TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO
Airing date: April 23, 2013




Produkto ng sikat na variety show noong dekada nobenta na “That’s Entertainment,” halos dalawang dekada nang nagniningning ang bituin ni Ara Mina.
 
Nagsimula sa pa-extra-extra sa telebisyon at pelikula, kung saan wala raw siya ni-isang linya, hindi sumuko si Ara hangga’t hindi naabot ang pangarap na kasikatan.
 
At kalaunan ay napatunayan nga niya ang kanyang galing bilang isang artista nang humakot ng parangal mula sa mga prestihiyosong award-giving body.


Sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes, hindi lamang ang sexy at kung minsa’y iniintrigang Ara Mina ang makikilala ni Igan Arnold Clavio, kundi ang simpleng babaeng mahilig magluto, mag-bake, at magaling ding… mag-Yoga?
 
Ikukuwento rin ni Ara ang naging pagbabati nila ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes, matapos ang mahabang panahon na hindi nila pag-uunawaan na umabot pa sa demandahan!
 
Abangan ang masaya at makabuluhang kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Martes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV!

Para naman sa ilang behind the scenes pictures ng TWAC, i-like ang Facebook page ng Tonight with Arnold Clavio:
http://www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio
 
I-follow din ang official Twitter account ng TWAC:
http://www.twitter.com/TWACofficial