advertisement
Filtered By: Newstv
NewsTV

Maghihintay sa'yo: The Ed and Juliana Love Story sa 'Wagas'




Nasangkot sa kaso ng mga sindikato si Ed kung kaya’t siya ay nakulong.
 
Ang inakala niyang magiging susi sa mas maginhawang buhay, naging dahilan para lalu siyang mahirapan abutin ang kanyang mga pangarap.

Sa loob ng preso, ginawa ni Ed ang lahat para malibang at magbago. At isang masugid na “pen pal” ang ang tumulong sa kanyang muling maging masaya—si Juliana, isang guro.
 
Hindi lang pagtuturo sa mga kabataan ang tinuturing na misyon sa buhay ni Juliana. Nakadarama rin siya ng kakaibang tuwa sa pagiging kaibigan at tapagbigay ng payo sa mga taong may mabibigat na problema at tila nawawalan na ng pag-asa, gaya ng mga bilanggo. Subalit hindi naman niya inakala na isang lalaking nasa likod ng rehas ang siyang bibingwit sa kanyang puso’t makapagpapa-ibig sa kanya.
 
Tampok sinia Pancho Magno at Ryza Cenon, abangan ang totoong kuwento ng pag-ibig na ito tungkol sa dalawang taong umibig sa kabilang maraming balakid at pagsubok, dalawang taong hindi napagod magsakripisyo at maghintay ng matagal na panahon hangga’t makapiling ang tanging taong nagpapaligaya sa kanila.
 
Tunghayan ito sa Wagas ngayong Sabado, September 7, 2013, 7 PM sa GMA News TV.
LOADING CONTENT