advertisement
Filtered By: Newstv
NewsTV

Marc Pingris and Danica Sotto love story on 'Wagas'


AIRING DATE: July 5, 2014
AIRING TIME: 7:00 p.m.



Sa loob ng gym unang nagkakilala ang aktres na si Danica Sotto at basketbolistang si Marc Pingris. Lingid daw sa kaalaman ni Danica, “type na type” daw siya ng torpeng PBA star. Nakaka-attract daw kase ang pagiging charming at palakaibigan nito. Ngunit tuwing nagkikita raw sila noon, “hi and hello” lamang ang kanilang ugnayan. 
 
Kung hindi pa nagkasakit at mag-absent sa pag-gy-gym si Danica, ay hindi magkakaron ng lakas ng loob si Marc na alamin ang cellphone number ng dalaga para ito ay kumustahin.  At dito na nga nagsimula ang makulay na kwento ng pag-ibig nilang dalawa --- ang dalawang celebrity na simpleng gym mate --- naging magkaibigan, mag-kabarkada at kalaunan, magkasintahan at mag-asawa.


 
Tampok si Ryza Cenon bilang si Danica Sotto at si Carl Guevarra bilang si Marc Pingris, abangan ang nakakakilig na love story na ito sa Wagas ngayong Sabado!
LOADING CONTENT