ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Ang makulay na lovelife ni Shamcey Supsup, tampok sa 'Wagas'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
#JanineElmoOnWagas
THE SHAMCEY SUPSUP & LLOYD LEE LOVE STORY
STARRING JANINE GUTIERREZ & ELMO MAGALONA
September 17, 2015
STARRING JANINE GUTIERREZ & ELMO MAGALONA
September 17, 2015

Ang beauty queen na may “Tsunami Walk” at kinoronahang “Miss Universe 2011 Third Runner Up” ay may makulay palang love life!




NBSB or No Boyfriend Since Birth ang arkitekto na si Shamcey. Boyish at hindi pala-ayos ang dalaga pero nang bigla siyang pinasabak sa Bb. Pilipinas ng kanyang mommy, tila 360 degrees na umikot at nagbago ang kanyang buhay. Hindi lang korona sa beauty pageant ang nakuha ni Shamcey kundi naging Miss Universe din siya sa buhay ng Chinese bachelor na si Lloyd Lee.

Nanonood noon ng Bb. Pilipinas live pageant si Lloyd at isang tingin pa lang niya nangarap na siyang makilala ang dalaga.

Sa gitna ng buhay showbiz, bago ang mundo ni Shamcey para sa tahimik at “very private” na si Lloyd. Pero magkahawak kamay ang dalawa na pinagdaanan ang maliit o malalaking pagsubok ng kanilang relasyon hanggang mauwi sa kasalan.


Ngayon Shamcey is expecting a baby soon at abot-tenga ang ngiti ni Lloyd na misis niya na ang babaeng pinapangarap niya lang dati!

Abangan ang nakakatuwa at nakakakilig na kwento ng love story ni Shamcey Supsup at Lloyd Lee na bibigyang buhay nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ngayong Sabado 7PM sa WAGAS!
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
More Videos
Most Popular