ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Weekend Getaway' goes to Palompon, Leyte with Enzo Pineda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Biyernes, ang Starstruck V First Prince na si Enzo Pineda at ang college buddy niya na si Anjo Sarmiento ang haharap sa mga mas pinaganda at mas pinabigat na hamon ng "Weekend Getaway". Their destination: ang bayan ng Palompon sa Leyte! Isang weekend for the boys ang naghihintay sa magkaibigan sa dating tinawag ng mga Kastila na “Paung-pung” dahil sa mga bulaklak na makikita rito. Ngayon, ang Palompon ay isa nang paboritong destinasyon ng mga turista dahil sa mga natatangi nitong isla.  Isa na riyan ang Kalanggaman Island na matatagpuan sa Camotes Sea. Dito, nag-enjoy ang best buddies sa boating at snorkeling activities  kung saan nakita nila ang mayamang marine life ng Camotes Sea.   Para naman sa kaunting cultural exploration, binisita ng magkaibigan ang St. Francis Xavier Church na isa sa mga pinakalumang simbahan sa Leyte.  Itinayo ito ng mga Heswitang misyonaryo noong 1737 bilang sanctuaryo laban sa mga dumarating na Moro. Sinampolan din ng dalawa ang mga paboritong pasalubong ng mga taga-Palompon, ang peanut milklets at fruit tartlets. Siyempre, up on the menu rin ang exotic dishes ng mga taga-Palompon: ang kinilaw na sunlutan na ang main ingredient ay sea cucumber o baat. Matapos magpakabusog, Tabuk Marine and Bird Sanctuary naman ang next stopover ng mga warriors.  Seventy-two hectares and kabuuan ng protected marine area na ito kaya naman sagana rito ang mga bakawan na proteksiyon ng mga mga isda laban sa bagyo. Sa Tabuk din masusubukan ang galing ng magkaibigan sa pagra-rappel. Dito kasi ginagawa ng mga kalalakihan ng Palompon ang kanilang morning exercise na rappelling. Sa dalawa, si Anjo ang talagang nag-enjoy dahil dati pala siyang rock climbing varsity player noong high school!    Pero bago magtapos ang kanilang weekend getaway, kailangan nilang harapin ang kanilang travel missions.   Sa Warriors vs. Expert, kailangan mas marami silang makuhang sea urchins o swake kaysa sa expert swimmer at diver na si Mang Romy. May pag-asa kaya ang dalawang manalo lalo na’t dalawampung taon na palang miyembro ng Bantay Dagat si Mang Romy?   Sa Warriors vs. Time, kailangan naman nilang maglinis ng dalawang kilong sea cucumber o baat sa loob ng 10 minuto.  Tanging oras lang ang makakalaban nila sa madulas at malansang hamon na ito. Sa huling misyon, eksperto pa rin ang haharapin ng warriors. This time, si Mang Romeo na mahilig kumain ng exotic dishes ang makakalaban nila.  Ang kailangan nilang ubusin, tatlong klase ng ulam na bakasi o eel ang main ingredient! Sa tagisan ng katakawan, sino kaya ang mananalo?   Best buddies pa rin kayang uuwi sina Enzo at Anjo? Huwag palampasin ang nakakaaliw at nakakagutom na "Weekend Getaway" sa Biyernes, 11PM sa GMA News TV!