ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

A 'Weekend Getaway' around the Philippines with Pinoy celebrities


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang beses na rin tayong nagkaroon ng celebrity Weekend Warriors. At dahil sa kanilang ‘stature’ ika nga, laging exciting at unpredicatable ang mga eksena nila sa biyahe.
Chuckie and Yen Drefus on Weekend Getaway  
Tulad na lang ng weekend getaway-turned-honeymoon ng dating child star na si Chuckie Dreyfus at ng kaniyang misis na si Yen sa San Juan, Batangas. Sa loob ng sampung taon bilang mag-asawa, first time silang nakaalis na hindi kasama ang mga anak.  Kaya naman kahit mahirap ang travel missions, naging oportunidad ang biyahe nila para magkaroon sila ng romantic moments.
 
Sino rin ang makalilimot sa bonding ng mag-amang Arnel at Pie Ignacio sa Biliran, Tacloban? Sa putikan nasubok ang closeness ng mag-ama nang mag-araro sila para sa kanilang travel mission sa Iyusan Rice Terraces. Buti na lang, bago natapos ang biyahe,  nakapag-relax sila sa Tinago Falls, isa sa mga iniingatang hideaways ng Biliran.
 
Sa Ilocos naman, tumibay ang samahan ni Mark Bautista at ng best buddy niyang si Raphel Kiefer. Sa sand dunes, na-enjoy ng magkaibigan ang 4 X 4 ride. For a little lesson in history, sinilip nila ang Church of St. Agustine o mas kilala bilang Paoay Church na ‘earthquake baroque’ ang disenyo. Dito, nakita nila kung gaano ka-metikulosong ginawa ang simbahan mula sa coral stones, kaya naman hanggang ngayon ay hindi ito natitinag ng lindol at bagyo.
 
Tinapatan ng natural beauty ng Cabalete Island sa Mauban Quezon ang ganda ng Miss World Second Princess 2011 na si Chloe McCulley. Ang 1,600 hectare island na ito ang ipinagmamalaki ng probinsiya dahil na rin sa white sand at crystal clear waters nito. 
 
And speaking of natural beauty, na-impress si Bela Padilla sa ganda ng Magaklawa Island na isa na ngayon sa sumisikat na tourist destinations sa bansa. Dahil sa sarap ng fresh seafoods dito, hindi na nakapagtataka kung paano niya nakayanang kumain ng isang kilong seafood kasama ang travel buddy niya! Sa Quirino, nagkalat ng lagim… este, saya ang Kamikazee vocalist na si Jay Contrares kasama ang misis niyang si Sarah Abad. Pero romantic at heart pala si Jay kaya talaga namang na-enjoy niya ang rare opportunity para magkaroon ng quality time with the misis.
At siyempre, kapag kainan, hindi magpapahuli si John ‘Sweet’ Lapuz. Sa Naga City, nilantakan niya ang iba’t ibang masarap na Bicolano cuisine. Pero halos mapaluha ang komedyante sa anghang ng mga putaheng inihanda para sa kaniyang Travel Mission.
 
Ilan lang ‘yan sa mga celebrity moments na babalikan ni Drew Arellano kaya huwag palampasin ang star-studded episode ng Weekend Getaway, Biyernes, 10PM sa GMA News TV.