Hi-tech na e-Rizal i-Tablet, ipinagmalaki ng Laguna
Ibinida ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang hi-tech gadget na tinawag na e-Rizal i-Tablet, na inaasahang makatutulong para lalong mailapit sa kabataan ang pambansang bayani na si Dr Jose Rizal. Ang paglulunsad ng e-Rizal i-Tablet ay isinabay sa selebrasyon ng ika-150 taong kaarawan ni Rizal, ayon sa ulat ni GMA News reporter Saleema Refran. Laman ng modernong gamit na may laking pitong pulgada ang mga kuwento tungkol sa naging buhay ni Rizal. Maaari pa itong dagdagan ng mga libro o kuwentong nilikha ng ating pambansang bayani.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang mahigit 1,000 nilikhang e-Rizal i-Tablet ay proyekto ng pamahalaan panlalawigan ng Laguna at Vidal publishing. Ang teknolohiya na ginamit dito ay nagmula naman sa University of the Philippines ng Los Banos, Laguna. Bukod sa mga babasahin, ang e-Rizal i-Tablet ay mga video, mga larawan, games, touch screen, at wi-Fi at Bluetooth connectivity. Kaagad bumilib ang ilang mag-aaral na nakaranas na magamit ang e-Rizal i-Tablet, dahil bukod sa madali at mas magaang ito kumpara sa libro, mas kaiga-igaya itong gamitin sa pag-aaral. Hangad umano ng lokal na pamahalaan ng Laguna na maipagamit 1,000 unit ng e-Rizal i-Tablet sa 14 high schools sa probinsiya. - FRJ, GMA News