We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Huling labas) Walang nangyari kaya ang asawa ko na lang ang tinawagan ko para kausapin kung sino man ang puwede magdala sa akin sa ospital. Umaga nang mangyari ang aksidente at gabi nang nadala ako sa ospital. Hindi ako nakapasok ng tatlong araw dahil sa nangyari. Ibinawas yung tatlong araw na yun sa sahod ko kasi hindi raw ako nag-file ng sick leave⦠kasalanan ko pa.
Sa pinagdalhan nila na ospital sa akin hindi nila tinanggap yung medical card ng kumpanya at napilitan ako magbayad ng cash na galing sa bulsa ko. Wala akong magawa, hinayaan ko na lang.
â Danny
Sa pinagdalhan nila na ospital sa akin hindi nila tinanggap yung medical card ng kumpanya at napilitan ako magbayad ng cash na galing sa bulsa ko. Wala akong magawa, hinayaan ko na lang. Sa kwento kong ito, hindi lang ako ang nakakaranas ng lupit, pati yung asawa ko na nasa opisina ay nakararanas din. Marami siyang kuwento at luhang pumatak. Siguro ilan lang ang puwede kong sabihin. Isa na rito na iyong may ipinapagawang trabaho ang presidente sa kanya na pinapa-update na records sa mga airline company na 1990âs pa. Imposible iyong ma-update dahil walang personal information na mabigay yung presidente dahil nakalimutan na niya. Ang sabi sa kanya, kapag hindi niya natapos pagbalik niya galing sa isang trip eh pauuwiin na niya ang asawa ko, at malamang kasama rin ako dun. Marami pang karanasan ang asawa ko na siya lang ang makapagkukuwento ng maayos na ayon sa experience niya. At pareho rin kaming walang magawa. Ipinagdadasal na lang namin araw-araw, gabi-gabi. Hindi naman siguro bulag, pipi at bingi ang Diyos.
Pinapalakas namin ang loob ng isaât isa sa bawat araw na lumilipas at sa bawat pagsubok na dumadating na walang palya. Marami pa ring kapalpakan nangyayari sa opisina.
Pinapalakas namin ang loob ng isaât isa sa bawat araw na lumilipas at sa bawat pagsubok na dumadating na walang palya. Marami pa ring kapalpakan sa opisina, nandyan yung may mga babae na nagtatrabaho na wala namang permit kasama na ang asawa ko. Housewife lang kasi ang nakalagay sa Iqama niya. Ang alam ko ay wala pang permit yung opisina doon na kumuha ng babae. Bukod lang sa isa na mayroong talaga para sa babae at alam ko na may permit. Isa pa, ang importante sa opisina ay yung nagagamit ka at napagkakakitaan. Kasi kung hindi ay iba ang magiging trato nila sa iyo. Kahit yung nakilala naming si âN," akala namin totoo siyang tao at kaibigan naming mga Pinoy, kaso nagbago rin nung naging manager na. Iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan at pera. Dito ang baba ng tingin sa mga Pinoy. Nakalulungkot, isang pagkakamali ang pagpunta ko sa Saudi at dinamay ko pa ang asawa ko sa paghihirap kong ito. Patuloy na may hindi magandang nangyayari sa opisina at patuloy na nagbubulag-bulagan ang mga makapangyarihan dun. Sa ngayon ay nag-aantay na lang kami na matanggal. Kasi kapag umalis kami, pagbabayarin pa kami ng kumpanya katulad ng ginawa nila sa nagresign na Pakistani na naasign din dito sa Jubail. Nakita niya kung paano siya trinato ng kumpanya at pangit ang na-experience niya. Nagkataon na may sakit ang nanay niya at kailangan niyang umuwi. Hindi siya pinayagan ng kumpanya, at pinapili siya na magbayad ng 3000sr at bumili ng sarili niyang tiket para makauwi lang. Forced to resign siya, nakakaawa, wala pa siyang isang buwan.
Sa ngayon ay nag-aantay na lang kami na matanggal. Kasi kapag umalis kami, pagbabayarin pa kami ng kumpanya katulad ng ginawa nila sa nagresign na Pakistani na naasign din dito sa Jubail.
Isa si âA" na Pakistani ang nagrecommend na huwag siyang payagan, dito mo makikita na kahit kalahi ay tinatalo. Paano pa kaya kung hindi nila kalahi. Pareho kaming mag-asawa ko na ayaw na rito sa Saudi. Nagtitiis kami araw- araw na hindi magkasama dahil isang beses sa isang linggo lang ako umuuwi sa accommodation namin kasi malayo at magastos sa pamasahe. Napagkasunduan namin na hintayin na lang naming na matanggal kami kaysa magresign. Habang naghihintay, mag-iipon kami kahit na pambili ng ticket lang. Kaso ang laki ng sakripisyo, sa pagtitiis ay hindi namin alam kung ano na naman ang susunod na mangyayari. Mas lalong nag-iba ang takbo ng opisina simula nung kinuha nila yung Egyptian na babae bilang business analyst. Sa loob ng ilang linggo mula nang dumating siya, dalawang babae na empleyada ang tinanggal niya-- isang Saudi at isang Egyptian. Tinanggal sila nang walang kalaban-laban at wala sa katwiran. Nagbanta pa na susunod na raw ang asawa ko paglipas ng two months. Magagamit pa kasi nila ang asawa ko. Marami pa silang ipapagawa kaya hindi pa nila matanggal at naghahanap pa sila ng butas. Kuwento ng asawa ko, minsan ginagawa pa siyang na taga-bantay ng anak nung Egyptian na babae. Marami pang kuwento, hindi ko na masikmurang isama pa sa kwento. Isa pa nabanggit ng presidente sa asawa ko na pinagmamalaki niya na hawak niya ang embassy ng Pilipinas dito sa Saudi. May kilala at hawak daw siyang mga tao doon. Ibang klase talaga nagagawa ng pera, sana lang ay huwag kaming talikuran ng ating bansa dahil sa pera. Sa kasalukuyan ay magkalayo pa rin kami at naghihintay na maalis sa kumpanya. Naghihintay na sana ay mayroong tumulong sa sitwasyon namin. Naghihintay kung kailan aaksiyon ang Diyos sa pinagdadaanan namin. Salamat, matagal akong nagtiis at kinimkim âtong sama ng loob ko. Sa wakas may nasabihan na ako. â GMA NewsDannyNaglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (3)Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (2)Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (1)Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!