ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang baon na '3-Ds' ng isang Pinay OFW (1)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hello GMA, maraming salamat po sa programa ninyong ito. Ako po si Leycel, 35-taong-gulang, dalagang ina. I-share ko lang ang aking karanasan sa buhay partikular sa pag-a-abroad. Unang dahilan kung bakit ginusto kong mag-abroad ay dahil gusto ko na bilang panganay (sa limang magkakapatid), ay makatulong sa aking ama na isa lamang karpintero.


Sa ugaling Filipino po sabi nga, kung maganda ang ipinakikita ng iyong kapwa, gantihan din sila ng mabuti. So, to make the story short, ‘di ko na po magawang magreklamo. Hindi naman nila ako pinababayan sa pagkain at sa mga other needs ko.
-- Leycel
Pangalawa, ayaw ko pong maging pabigat sa aking pamilya lalo na’t may anak ako. Pangatlo, gusto ko pong makatapos sa pag-aaral ang aking mga kapatid upang pagdating ng araw sila na naman ang tutulong sa aming magulang. So, I decided na mag-apply to work abroad. Sa kabutihang palad ay nakaalis ako papuntang Singapore. if I’m not mistaken kasagsagan po yun sa balita tungkol kay Flor Contemplacion. Umalis ako kahit ayaw ng parents ko. Sa awa naman ng Diyos ay nagkaroon ako ng mabait at very supportive na amo. Nagtagal po ako ng apat na taon sa kanila at pumirma ako ng pangatlong kontrata. Nagtrabaho ako sa kanila from May 2002 hanggang December 2006. Nag-umpisa po ako sa kanila sa pag-aalaga ng bata na 7-month-old. Kasama na ang paglilinis ng bahay at sasakyan. Naranasan ko po sa kanila na maglinis ng bahay ng magulang at kapatid ng amo ko. Hindi ko po magawang magsumbong dahil mabait sila sa akin. Sa ugaling Filipino po sabi nga, kung maganda ang ipinakikita ng iyong kapwa, gantihan din sila ng mabuti. So, to make the story short, ‘di ko na po magawang magreklamo. Hindi naman nila ako pinababayan sa pagkain at sa mga other needs ko. Sila nga po ang takbuhan ko if I need money para sa family ko. Ang sahod ko noon ay 320 Singaporie dollar. Sa unang taon ko ay kailangan ko pong bayaran ang utang ko sa agency within 6month. Naiiwan sa akin 10 dollars na lang. Pero I never give up instead, pinagbuti ko ang work ko sa mga amo ko sa pag-aalaga sa kanilang anak. Hindi ko makalilimutan yung sabi ng papa ko na 3-Ds – determination, dedication and devotion. Pagkatapos ay nag-break contract po ako sa kanila. Ang dahilan, una, ang amo ko pong babae ay mag-aaral sa US, they tried na i-apply ako ng US visa but sad to say I failed. Yung 3rd contract ko po ang nagamit ko pa, so nung nasa US na silang lahat, naiwan po ako sa biyenan ng amo kong babae.

Isang buwan pa lang po ako nakauwi mula Singapore ay nakaalis na rin ako papuntang Hongkong. Abot-abot ang pasasalamat ko dahil medyo mabait yung amo ko at yung pamilya ko ay mabuti ang lagay. Ang lahat ng kapatid ko ay patuloy sa kanilang pag-aaral.

Inisip ko pong mabuti kung mag-break ako at mag-apply sa iba. Nung willing na ako, I talked to my employer thru internet, nagpaalam ako pero bago po ako nagpaalam, nag-apply na ako papuntang Hongkong. Isa sa dahilan ko po eh ang mababang sahod, at yung huling sahod ko nga ay S$350. January 2007, umuwi po ako ng Pilipinas dala ko na ang lahat ng documents papuntang Hongkong. I thank God, ‘di Niya ako pinabayaan. Isang buwan pa lang po ako nakauwi mula Singapore ay nakaalis na rin ako papuntang Hongkong. Abot-abot ang pasasalamat ko dahil medyo mabait yung amo ko at yung pamilya ko ay mabuti ang lagay. Ang lahat ng kapatid ko ay patuloy sa kanilang pag-aaral. Tiniis ko yung homesickness para maipagpatuloy ang buhay namin. Hindi po kasi ako papayag na matulad ang mga siblings ko sa akin. Itinaguyod ko po ang mga kapatid at ang nag-iisa kong anak. Kahit yung pang sarili ko ay ‘di ko na inisip, basta nakikita kong masaya ang pamilya ko. When I was in Hong Kong, very different ang sitwasyon ko compared sa Singapore. Kasi doon ang amo ko lahat ang bumibili ng personal needs ko. Noong nasa Hong Kong ako, akin na lahat except sa food. But food is still not enough, I have to buy for myself para mabusog. Naranasan ko na pagdating sa kainan, ang amo muna then kung anong leftover food, yun ang kakainin ko. Pero ‘di po ako nawalan ng pag-asa dahil sa nasa puso't isipan ko, ginagawa ko ito para sa pamilya ko sa Pilipinas. Saka ‘di naman ito magtatagal dahil dalawang taon lang. Tiniis ko po ang hirap sa una kong amo, nandiyan yung kailangan kang gumising kahit hatinggabi. Ang ginagawa ko na lang, I consider them as my family. Yung mga alaga ko, anak ko ang turing ko sa kanila. Iniisip ko lagi na nasa Pilipinas lang ako at kaya ko ito. Araw-araw, 16 hours akong nagtatrabaho, less than 8 hours ang tulog. Kasi bago ako matulog sa gabi, I need to do handwashing, ayaw kasi ng amo ko ang maglaba gamit ang washing machine. (Itutuloy) – GMA News Leycel P. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!