ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Pagkabahala sa OFW deployment ban


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
GMA News Online reader Tess Espiritu shares her thoughts about the OFW deployment ban in 41 countries. The implementation of the ban has been deferred for 90 days. Isa po ako sa OFW na ngtratrabaho dito sa Swaziland na kung saan itong bansa na ito ay nakasali sa ban. Nakakagulat lang po kasi ano ang basehan ng ating gobyerno para isali ang bansang ito, gumawa ba sila ng survery o pinasayalan ba nila ang mga OFW dito? Kung tutuusin isa kami sa mga mapalad na OFW, magaganda ang aming katungkulan, pinakamababang positon ay supervisor. At karamihan may-ari ng mga pabrika ay foreigner (Taiwanese) na dito lang nagtayo ng mga pagawaan gawa ng programa ng US tinatawag na AGOA. Sa lumabas po na batas, parang gumuho ang aming mga munting pangarap . Masarap pong umuwi at magbakasyon sa Inang Sinilangan pero po sa lumabas na batas, karamihan po ay natatakot umuwi kasi iniisip nila na baka di na makabalik sa trabaho, at kailangan pa nilang kumita para sa pamilya. Nakakalungkot isipin. Sana ang hiling lang namin pagaralan sana muna ng ating gobyerno, mas lalo kaming sasaya kung mawala na ang ban. SANA ALISIN NA LANG ANG BAN, para mas masaya ang lahat. Sana po gawing daan ang GMA NEWS para makarating ang aming hinanaing. - GMA News