Kwentong Kapuso: Alaala ng kabataan
Hindi ko ikinakahiyang anak ako ng magsasaka Hindi ko ikinakahiyang sa bukid ako nakatira Palarua'y malawak na pilapil Kubong yari sa pawid, dingding ay sawali. Tambak ng dayami malimit na gulungan Pag dating ng hapon kati na ang buong katawan Mag pantal man buong katawan, Ngiti sa mukha'y hindi mapapantayan. Pag soga ng kalabaw sa umaga Pag pastol man sa hapon ng baka Bakit ngayon kung gunitain ang saya Ala ala ng kabataan napakaligaya. Habulan taya pag gumabi na Patintero sa liwanag ng buwan Sa isang tabi'y nag sisiksikan Kuwentuhan ng mga katatakutan. Pag ligo sa sapa o ilog pag bakasyon Pag tulog di magawa sa hapon Dahil sa maghapong paglilimayon Kahit may palo sa dapit hapon Pagpapalipad ng saranggola nila kuya Pag akyat sa puno at mga sanga Pag gamas ng damo sa bukirin Pati na pag hulip ng palayan. Pag ligo sa ulan kung tag ulan Pag lalaro ng bangka- bangkaan Pag gawa ng kanal sa tabi ng bahay Pag huli ng tutubi sa daan. Hay, kay sarap gunitain Mga gawain noong kabataan Puro ala ala na lamang Kay tamis balik-balikan. Katha ni Eden Velonza Singapore