Kwentong Kapuso: Buhay OFW
Narito ang ilang katotohanan bilang OFW base lang sa aking nakikita at nababasa.
Umalis ka papuntang ME Asia Europe USA at Canada via Agency at malaking halaga ang binayad mo. Ang iba nga "Fly Now, Pay Later pa."
Naisanla mo ang konting ari-arian nyo: bahay, lupa , sasakyan , kalabaw , at baka nakautang ka pa ng "5/6."
Nakarating sa bansang Arabo , HK, Italy, New York, Toronto, at kung saan pa na walang kaalam-alam lalo na sa ugali , pagkain , mga tao at salita nila.
Dahil nakasanayan ang may cellphone: Malimit ay patago ang paggamit pero ito ang way para makipagkomunikasyon sa [amilya at mga mahal sa buhay.
May fesbuk din, Skype at Yahoo mga networking sites upang maibsan ang kalungkutan o homesickness.
Ang iba walang day-off, walang maayos na tulugan, tinipid sa pagkain at minsan late lagi ang sweldo.
Minsan hindi rin sinusunod ang nasa kontrata natin lalo na sa sahod, at minsan ang may kagagawan ay ang agency.
Minsan mahigit pa sa oras ang trabaho pero di ka makareklamo dahil may kontrata ka pa rin.
Kailangan tiisin ang pagod, puyat, at haba ng oras sa trabaho
Karaniwang kinakain ay luto ng manok, noodles, Arabic bread, at itlog.
Minsan kulang pa ang pagkain na kinakain natin pero ganun pa man okay na rin ito.
Pero kahit papaano at gaano kabigat ang trabaho masaya ka pa rin dahil nangibang bansa ka para maibigay ang magandang buhay sa pamilyang nasa Pilipinas.
Dahil Pilipino tayo, jailangan nating maging maunawain at maging masaya kahit homesick tayo.
Malimit din tayong nagdarasal at tumawag sa Panginoon.
Meneses Ching
London,United Kingdom