ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Rhythms of Broadway: Galing ng Pinoy sa Qatar


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
DOHA, Qatar - Kakaibang galing at talento ang ipinamalas dito ng Tanghalang Overseas Pinoy (TOPi), isang grupo ng Filipino performing artists nang magtanghal ang grupo ng "Rhythms of Broadway" sa Doha National Theather noong ika-18 ng Mayo. Ipinakita ng grupo ang kanilang galing sa pag arte, pagsasayaw, at higit sa lahat, sa pagkanta ng mga awitin mula sa mga kilalang Broadway musicals katulad ng Jekyll & Hyde, Chess, Miss Saigon, Phantom of the Opera at Les Miserables. Dalawang bahagi ang palabas ng programa at ito ay dinaluhan ng mga tauhan ng ating embahada sa Qatar, mga kababayang Pinoy at mga dayuhan mula sa iba't ibang panig ng mundo. Isang malaking karangalan kung maituturing ng ating bansa ang pinakita ng TOPi sa Qatar lalong lalo na sa mga dayuhang nanonood ng pagtatanghal na lalong humanga sa galing at talento ng mga Pinoy . Ang TOPi ay nabuo noong Agosto 2005 at nakapagtanghal na ng apat na palabas - Alikabok, DH (Domestic Helper), Kengkoy loves Rosing at Rhythms of Broadway. Patunay lamang ito na ang hilig at galing ng mga Pinoy sa pag-arte't pagkanta ay hindi mapapantayan. Ang pagtatanghal ng TOPi ay patunay lamang na kayang sumabak ng Pinoy sa galing ng mga dayuhang manananghal. At higit sa lahat, ang kakayahang maipagmalaki ng ating mga kababayang OFW ang ating sariling kutura't sining, at magbigay karangalan ng Pilipinas sa mga dayuhan, sa kabila ng kanilang responsibilidad sa trabaho at pangungulila sa pamilya.. Ang palabas ay inihandog at inaalay ng grupo para sa pagpapatayo ng Our Lady of the Rosary Parish ng Doha, Qatar, sa pakikipagtulungan ng Western Union at ANCOP- Gawad Kalinga-Doha. - Ore L. Hendive