ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHAppy Father's Day!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ito ang Linggo na alay para sa mga AHAligi ng Tahanan!  Dahil ang mga kinahihiligang panoorin at gawin ng ating mga Erpat ang tampok ng AHA! ngayong umaga.   Di ito scripted gaya ng ordinaryong balyahan na pinapanood ni Daddy sa WWF.  Dahil ito ang contact sports na nangangailangan ng lakas ng pangangatawan at ng isip para mapatumba ang kalaban.  Ready na ba kayo sa MIXED MARTIAL ARTS?  Si Drew Arellano, reding-ready na…kahapon pa!!! At ang kanyang makakalingkisan ay walang iba kundi ang bagong tatay na si Mickey Ablan!  Sino kaya ang tatanghaling AHAsteeg sa UFC?   Kaskasero ba ang ama mo sa pagmamaneho?  Kung oo, pasok-na-pasok siya rito sa car racing called DRIFTING!  Kumapit na kayo sa mga tainga n’yo dahil haharurot na ang ating papable racer para i-discuss ang science behind drifting kahit pa sa gitna ng malakas na ulan!   Kakasa ba ang mga macho n’yong Fadir sa naglalakihang muscles ng ating Mr. Maskels aka Betong Sumaya?  Ang mga palaban ay hahamunin n’ya sa isang CIRCUIT TRAINING at CROSS FIT TRAINING kung saan isang series of various exercises ang kailangang gawin for 30 seconds each!  Ano kaya ang science behind this tagisan ng lakas at galing?  Bukod d’yan may free tips pa kung paano ito maaaring gawin sa bahay para maging Dadilicious!   Para sa World’s AHAmazing Dads…maki-AHA! na ngayong Linggo, 9:15AM!