ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga ibong mandaragit, kinilala ng 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
'AHA!' Airing date: February 17, 2013   Minsan ba’y nangarap din kayong lumipad? Taong 1500s pa nang iguhit ni Leonardo Da Vinci ang kaniyang early flight machines.  Pero bibilang ng daan-daang taon bago maimbento ang eroplano na ngayon ay ang pinakamabilis na transportasyon na gamit ng tao.  Pero paano nga ba nakalilipad ang eroplano?  Ano ang siyensiyang nagpapatakbo rito?  Aalamin ‘yan ni Boobay at sasabak pa siya bilang assistant pilot pagkatapos dumaan sa isang flight simulator. Kayanin kaya niyang makapagpalipad ng eroplano?  Kung paglipad din lang ang pag-uusapan, mga ibon ang number one diyan.  Kaya naman sinadya ng AHA!, kasama ang isang grupo ng mga bird watcher, ang Candaba swamp sa Pampanga para magmasid at kumuha ng litrato ng mga ibon. Paano nga ba nakalilipad ang mga ibon at anu-ano ang mga katangian na nakatutulong sa kanilang paglipad?   At heto pa, isang kakaibang paraan ng paglipad sa ibabaw ng tubig ang aalamin at susubukan ni Maey B.  Ano nga ba ang science sa likod ng Flyboard o Hydrojet na nauusong atraksyon ngayon sa Subic?  Samahan din natin si ka-AHAng Drew Arellano sa kaniyang up close and personal na kumustahan kasama ang mga ibong mandaragit o birds of prey gaya ng Philippine Seabass Eagle, Peregrine Falcon, Brahminy Kite, Philippine Eagle Owl at iba pa.  Nood na ng AHA! Can Fly ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.