ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Aarangkada ng kaalaman tungkol sa science of trains sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA!
Science of Trains

Airing date: March 10, 2013

Aha-lam niyo ba na may tren na lumulutang? 
 


Isa sa pinakaunang public transportation system on land ang tren.  Dito sa Pilipinas, panahon pa raw ni Rizal nang unang bumiyahe ang Philippine National Railways o PNR.  Sa paglipas ng mga taon, iba-ibang klaseng tren na rin ang naimbento at ginamit dito sa atin gaya ng tranvia, LRT, MRT at iba pa. 
 
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, mula sa coal at steam locomotive, may mga tren na rin ngayon na pinatatakbo ng diesel fuel, electricity at maging ng computer.  Pero ano itong powered ng ‘maglev’ o magnetic levitation na nagpapalutang sa kahabaan ng tren habang ito’y umaandar?  

Ida-drive tayo ni ka-AHAng Drew sa isang aktuwal na tren at pag-alam ng mga kung anu-ano tungkol sa mga tren!  



Aalamin naman ni ka-AHAng si Joyce Ching kung paano umaandar ang proudly Pinoy-made na AGT o automated guideway transit o AGT na kasalukuyang tine-testdrive sa UP Diliman.  



Samantala, bibisitahin naman ni ka-AHAng Boobay ang isang kolektor ng sari-saring toy trains. Iimbestigahan din niya kung anong siyensiya ang nagpapaandar sa isang roller coaster train.
 
All aboard!  Aarangkada na ang saya at kaalaman ngayong Linggo sa AHA!, 9:00 ng umaga sa GMA.