AHA-ng fun in the sun ngayong Sunday sa 'AHA!'
AHA!
Fun in the Sun!
Airing date: March 24, 2013, 9:00 AM
Non-stop na ang summer saya dito sa AHA! Kaya sama na kayo sa sari-saring adventure out in the sun ngayong Linggo.
‘Sinakyan’ ni Drew Arellano ang mga alon sa wave pool ng Club Manila East sa kanyang surfing 101 class. Paano nga ba ang tamang pagse-surf at ano ang benepisyo nito sa ating katawan?

Challenge para kina ka-AHAng Julian Trono at internet celebrity Kimpoy Feliciano ang ang iba’t ibang games at activities sa Tanay Adventure Camp sa Tanay, Rizal at Pugadlawin Adventure Camp sa Laurel, Batangas na puwedeng gawin ng buong pamilya o barkada. Kasama na diyan ang spelunking, wall-climbing, mudslide at kung anu-ano pa. 
Aalamin naman ni Boobay kung paano ginagawa ang iba’t ibang saranggola— mula sa karaniwan hanggang sa mga kakaiba! Mayroon pang saranggola na 3D! Ano ba ang papel ng siyensiya sa pagpapalipad ng saranggola?
It’s more fun in the sun sa AHA!, ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.