ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Exciting water AHA-dventures sa 'AHA!'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA!
Water Adventures
Airing date: April 7, 2013
Tuloy-tuloy na ang arangkada ng summer field trip dito sa AHA! Samahan niyo kaming magtampisaw, maglublob, at sumisid sa sari-saring water adventure ngayong Linggo.

Bago pa kayo kumaripas ng takbo papunta sa beach, mag refresher course muna kasama si ka-AHAng Boobay sa kaniyang “Swimming 101” sa Camayan Beach Resort. Paano nga ang epektib na paraan para lumutang sa tubig? Ang matataba raw ay mas madaling lumutang kaysa sa mga payat, how true? May safety tips rin si Boobay kontra-pulikat at pagkalunod.

Para maging ligtas at stress-free ang ating pag-e-explore sa dagat, kilalanin din natin ang ilang nakaambang panganib sa dagat gaya ng jelly fish o dikya at mga pating. May shark-feeding session pa si Boobay! Alamin ang kanilang mga katangian para hindi ma-bad trip ang inyong trip.

Isang AHA! challenge naman ang kinagat ng ‘survivor’ na si Mara Lopez sa La Union, ang tinaguriang ‘surfing capital of the North.’ Kayanin kaya ni Mara na sumisid 140 feet under the sea para masulyapan ang military tanks na ginamit noong World War Two? Pati ang kababalaghang bumabalot diumano sa isang lumang tore doon, iimbestigahan din niya!
Wala nang atrasan sa ‘Water Adventures’ ng AHA! ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.

More Videos
Most Popular