ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Maging 'ALISTO' sa mga dambuhalang truck


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO
Paano maging Alisto mula sa aksidenteng kinasangkutan ng mga dambuhalang truck?

Airing Date: April 20, 2013

Tumagilid sa bako na daan ang truck ng buhangin na minamando ni Jr Badjao. Isa kasi siyang caretaker sa isang construction site. Sa kasamaang palad, bumagsak ito sa bahay na tinutuluyan ng kaniyang mag-anak. Ito ang naging dahilan para maibaon nang buhay ang kaniyang asawa at dalawang anak. Sa bilis ng pangyayari, hindi na nakalabas agad ang mag-iina niya.


 
Maging si Jr nagulat sa nangyari, nagsisigaw siya para humingi ng tulong.  Nagsimulang maglapitan ang mga kapitbahay, hindi na nila nahintay pa ang pagdating ng rescuers, tulong tulong nilang iniangat ang mga yero at kahoy na tumabon sa mag-iina at kanya-kanyang hukay na rin sa buhanging nagbaon sa kanila. Makaligtas pa kaya sila sa bingit ng kamatayan?
 
Samantala, tunghayan din ang mga CCTV footage ng nakagigimbal na aksidente sa truck tulad na lang ng pagbundol ng isang mixer ng semento sa isang ginang sa Makati. Bibili lang daw sana ng gamot ang biktima pero sa kasamaang palad, ito ang naging mitsa ng kanyang buhay!


 
Kuhang kuha rin sa CCTV ang pag-araro ng isang dump truck sa apat na sasakyan at concrete barriers sa Taytay, Rizal. Lima ang patay habang labintatlo ang sugatan.  Nagliyab ang truck habang nasa loob pa nito ang driver at ang kaniyang asawa. Sinubukan pa ng mga taong nakakita na ilabas mula sa nagliliyab na truck ang mga biktima.
 
Paano nga ba magiging Alisto para makaligtas sa aksidenteng tulad ng mga ito? Ilalahad iyan ni Arnold Clavio ngayong Sabado, alas kuwatro ng hapon sa GMA-7!