ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kaso ng pag-aamok at rambol sa kalye, tatalakayin sa 'ALISTO'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO
Airing Date: May 16, 2013, 11:30 PM on GMA-7

Ngayong Huwebes sa Alisto, ang malagim na pag-aamok at pamamaril ng isang lalaki sa Cavite at iba pang rambol sa kalye ang tatalakayin ni Igan Arnold Clavio!

Isang malagim na pangyayari ang gumimbal sa mga residente ng Barangay Tabon 1 sa Kawit, Cavite noong Ika-4 ng Enero, 2013. Ang mismong kapitbahay nilang si Ronald Bae, biglang nag-amok at walang habas na namaril ng kanyang mga nakasalubong. Ang ilang biktima, pinasok pa niya sa bahay para paputukan ng baril. Dalawa sa pitong nasawi, pawang mga bata. Nakorner at namatay din si Bae matapos rumesponde ang mga awtoridad. Ang itinuturong dahilan ng pamamaril ng suspek, ang diumano’y labis na pagkagumon sa droga at alak nito. Ilan pa raw sa posibleng dahilan ay ang labis na depresyon mula sa pagkatalo sa pulitika at ilang problema sa pamilya na hindi na niya nakayanan.  Apat na buwan matapos ang trahedya, kakamustahin ni Arnold Clavio ang ilan sa mga nakaligtas na biktima.   

Samantala, ilang gulo at rambol sa kalye naman ang huli sa CCTV! Sa isang palengke sa Mandaluyong, kinuyog ang isang volunteer tanod matapos umawat lang sa rambol ng dalawang grupo. Ang isang videoke bar naman, tila laging suki ng gulo. Mula sa pinagtalunang kanta na umabot sa pikunan hanggang sa tuluyang humantong sa sakitan, kuhang kuha ng surveillance camera!

Alamin kung paano makaliligtas oras na maipit sa gulo sa Alisto! Abangan 'yan ngayong Huwebes, 11:30 ng gabi pagkatapos ng Saksi!