ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Biyahe ni Drew' explores Silang and Amadeo, Cavite!

BIYAHE NI DREW: Exploring Silang and Amadeo, Cavite
Friday, March 12, 2021

5:45 PM GTV

Hindi masyadong malayo ang next stop ni Biyaherong Drew Arellano dahil sa Silang at Amadeo, Cavite ang susunod niyang destinasyon ngayong Biyernes!

 


Sa Silang, Cavite, isang glamping overnight ang gagawin ni Drew sa ilalim ng mga bituin. Sa Silang, parang Banaue o Sagada naman ang dating ng kaniyang accommodations dahil traditional Ifugao hut ang kaniyang tutulugan.

 


Samantala, isang lettuce farm ang madadaan ni Drew kung saan lalantakan niya ang specialty nitong unlimited Korean style pork belly o samyupsal. Mayroon din siyang matitikman iba pang mga handog ng iba't ibang kainan dito.

 

ADVERTISEMENT


At bago magtapos ang kaniyang Cavite getaway, makikilala ni Drew ang isang makulay na komunidad ng mga artist sa Amadeo.

 


Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 5:45PM sa GTV!                                                   

ENGLISH PR

Drew Arellano makes a quick getaway to Amadeo and Silang, Cavite and goes glamping under the stars and inside traditional Ifugao huts, munches on unlimited samyupsal, and meets the quirky residents of an artist community.