ADVERTISEMENT

Public Affairs

Biyahero Drew goes to Western Pangasinan!

BIYAHE NI DREW: Walang Atrasan sa Western Pangasinan!
Sunday, November 14, 2021


8:30 PM GTV


Kakaibang adventure ang ihahatid ni Biyahero Drew sa Western Pangasinan ngayong Linggo!

 


 

 

 

 

Death pool? Hindi iyan aatrasan ni Drew, siyempre. Isa itong kamangha-manghang puntahan na buwis buhay daw. Pero kung gusto niyo lang ang chill na biyahe, nariyan din ang Umbrella Rocks na puwede pang masilungan habang nasa beach kayo.

 


 

Hindi lang mga tanawin na tabing dagat ang ipinagmamalaki ng Western Pangasinan. Dinayo rin ni Drew ang Tagalog River kung saan mahirap man ang biyahe papunta rito, mapapawi naman ang iyong pagod sa lamig ng tubig. Super worth it, biyaheros!

 


 


 

ADVERTISEMENT


Madidiskubre rin ni Drew ang lumang paraan ng panliligaw ng mga lokal ng Western Pangasinan. May kasamang pagsusunog ng palay, pagbabayo at pagkudkod ng niyog ang panliligaw na ito! Talaga namang pinaghihirapan!

 


 


 


 


Kasama rin sa bawat biyahe ang foodventure. Pero ang mga putahe kagaya ng bagisen at lauyang baboy, bawal daw haluin! Magugustuhan kaya ni Drew ang walang halong putaheng mga ito?

 


 


 


Sama na sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30 PM sa GTV.

-----

Drew explores the off the beaten path destinations in Western Pangasinan. From the unique Umbrella Rocks to the terrifying Death Pool, Drew discovers the many wonders they have to offer. Add to that their traditional way of courtship by cooking their rice delicacy inlubi.