ADVERTISEMENT

Public Affairs

Biyahero Drew discovers the hidden beauty of Bulacan!

BIYAHE NI DREW: NAGGAGANDAHANG PUNTAHAN SA BULACAN!
Sunday, January 30, 2022

8:30 PM GTV
    
Akalain niyong may mararanasan kayong all around na biyahe sa Bulacan?

 

Para sa mga nature lover, biyahe na agad-agad papunta sa 13 Falls sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan. Inakyat ni Biyahero Drew ang lahat na ito at napaka-refreshing nga naman ng tubig. Sa dulo ng mga talon na ito, ipagluluto pa kayo ng binalukawang manok ng inyong tour guide!

 

 

 

Puwede ring dayuhin ang Madlum River para sa fresh air at nature feels. Do what do the locals do at tumambay sa ilog habang nakahiga sa isang salbabida. Subukan din ang kanilang monkey bridge.

 

 

ADVERTISEMENT

Matatagpuan din sa Bulacan ang isang resort sa gitna ng palayan! Cozy at comfy ang datingan ng mga tulugan kung saan puwede ring mag-kayaking malapit dito.

 

Hulaan din kung ano ang ibig sabihin ng kartamoneda, salansan at iba pang salitang Bulakenyo. Mahulaan kaya ni Drew?

 

 

Siyempre, hindi magpapatalo sa food trip ang Bulacan. May pastillas, chicharron, goto at iba’t ibang pagkaing may kesong puti kaya siguradong busog kayo sa biyahe niyo rito!

 

 

 

 

Isang sulit na biyahe ang nag-aantay sa Bulacan kaya sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!

-----

Discover the many, many attractions that Bulacan has to offer such as 13 waterfalls, a resort in the middle of a rice field and ancestral homes. Traveler Drew Arellano also learns some of the local words.