ADVERTISEMENT

Public Affairs

Biyahero Drew goes to Batangas!

BIYAHE NI DREW: OUTING SA BATANGAS
Sunday, June 5, 2022

8:30 PM GTV

Ano ang kadalasang outing ng pamilya o barkada n’yo, Biyaheros? Susubukan ni Biyahero Drew ang iba’t ibang outing destination sa Batangas!



Kasama si Biyahero Drew sa mga madalas mag-camping nitong pandemiya. Ibabahagi niya ang kanyang personal tips upang maging mas masaya ang inyong camping experience.



Kung gusto n’yo naman ng level up na camping, nariyan ang glamping! Ibang level ang glamping dito dahil mayroon pa kayong sariling jacuzzi.

 


ADVERTISEMENT

 

Matitikman din natin ang ilang kakaibang local dishes ng Batangas. Kagaya lang ng adobo sa kapeng barako!

 


Sa Souq Salamanca naman, mayroon silang masabaw na beef dish na tinatawag na Engkanto. Isa rin itong heirloom recipe ng mga may-ari ng lugar.

 

Sandamakmak na toppings naman ang binibida ng dish na lomi overload. Siguradong busog ang buong angkan dito.

 


Abangan lahat iyan sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!

-----

Traveller Drew Arellano heads to Batangas to experience camping by the beach, car camping and glamping. Along the way, he samples local dishes such as adobo with kapeng barako and the lomi overload.