ADVERTISEMENT

Public Affairs

Biyahero Drew goes to Pangasinan with Pinoy Sakuragi Marc Pingris!

BIYAHE NI DREW: BALIKBAYAN SA PANGASINAN
Sunday, July 10, 2022

8:30 PM GTV

Ngayong linggo, makakasama ni Biyahero Drew ang former professional basketball player na si Marc Pingris. Ipapasyal niya tayo sa kanyang probinsiya na Pangasinan!

 


Ibabahagi niya kung saan siya dati natutulog sa pinagtatrabahuhan niyang palengke. Kasama na rin dito ang mga pagsubok na hinarap niya noon.

 


Matatagpuan din sa palengkeng ito ang paboritong kakanin ni Marc na empalate!

 

ADVERTISEMENT


Titikman din nila ang rabbitchon! Mas healthy daw ito sa lechong baboy.

 


Dadalhin din ni Marc si Biyahero Drew sa Antong Falls kung saan hahamunin naman siya ni Drew na tumalon mula rito! Kakayanin kaya ni Marc ito?

 


Mayroon namang Drew versus Crew sa pamamagitan ng kadang-kadang. Puwedeng maranasan ito sa Farmville Resort sa San Fabian. Habang si Marc ay mag-rerelax sa kanilang kawa bath!

 


Abangan iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!