Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew goes to Bataan!


BIYAHE NI DREW: BATAAN FOR EVERYONE
Sunday, August 7, 2022
8:30 PM GTV

Isang biyahe para sa buong pamilya ang mararanasan sa Bataan ni Biyahero Drew at ng Biyahe ni Drew team!

Sa Sinagtala Farm Resort, magkakasubukan kung sino ang pinakamabilis magbisikleta…sa himpapawid! Isang Drew versus crew uli ito! Hindi lang skybike ang mayroon dito kung hindi pati zipline!

 


Matutuwa naman sina nanay at tatay sa Hulo Leisure Farm kung saan puwedeng mamitas ng iba’t ibang prutas katulad ng santol at dragonfruit. Ang pinitas niyong prutas, gagawin pa nilang shake para sa inyo!

 


 


Puwedeng mag-swimming naman ang mga chikiting sa Sibul Nature Resort kung saan ang mga pool ay may natural spring water. Mura pa ang entrance fee para sa mga bata sa halagang 50 pesos!

 


Putok batok dishes na mura ang hatid ng kainan na Jhoram’s Kitchen. Pares, lechon kawali at bone marrow ang ilan lang na mayroon dito. Siguradong mabubusog ang buong pamilya!

 


 


Abangan iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!