Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew discovers Carmen, Cebu!


BIYAHE NI DREW: 'DI BITIN SA CARMEN, CEBU!
Sunday, November 27, 2022
8:30 PM GTV

Balik-Cebu tayo, mga biyahero! Hindi tayo mauubusan ng mga pupuntahan sa Carmen, Cebu!

Siyempre, unang-una sa listahan ay matikman ang kanilang lechon! Ano kaya ang pinapahid nilang pampalasa sa kanilang lechon?

 


Nariyan din ang kanilang iba’t ibang pasalubong na mabibili sa ipinagmamalaki nilang bakery na Inday Mae’s Bakeshop. Patatas pero hindi raw ito gulay? O dessert na mukhang empanada?

 


Mayroon ding tuluyan na matatagpuan sa gitna ng kagubatan! At, ano kaya itong hinahain nila na kulay asul?

 



Matatagpuan din dito ang isang spring resort na may walong pool at 100 pesos lang ang entrance fee!

 


At, si Biyahero Drew makikipag-meet and greet sa mga hayop na matatagpuan sa Cebu Safari and Adventure Park!

 


Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!