Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew goes to Negros Oriental!


BIYAHE NI DREW: BIYAHERO GOALS SA NEGROS ORIENTAL!
Sunday, January 29, 2023
8:30 PM GTV

Isang makabuluhang pagbiyahe ang ihahatid ng Negros Oriental, biyaheros!



Dadayuhin ni Biyahero Drew ang ilang protected area rito katulad ng mala-Maldives na Manjuyod Sandbar na matatagpuan sa Tañon Strait Protected Seascape.


Pupuntahan din ni Biyahero Drew ang protected area na Balinsasayao Twin Lakes Natural Park. Makikilala niya ang dating birdhunter na si Kuya Rico na ngayo’y isa sa mga tagapangalaga rito.


Aalamin din ni Biyahero Drew ang tradisyunal na paggawa ng tsokolate ng mga taga-rito. At siyempre, titikman niya ito kasama ang perfect na ka-partner na suman budbud!

Samantala sa umuusok na Sulfur Vents ng Negros Oriental, susubukan ng Biyahe ni Drew team magluto ng itlog! Posible kaya ito?


Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!