ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"The Wildlife Road" and "The King's Nest"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 4, 2008 Wednesday after Saksi This Wednesday, Born to be Wild welcomes award-winning journalist Jun Veneracion as guest host. Often sent to cover news in combat zones, being caught in crossfire and negotiating conflict areas are all in a day's work for Jun. Now, he covers a different kind of battle - that of the King Eagle's struggle to survive. In the mountains of Zamboanga del Norte, a group of conservationists toils day and night, watching and waiting at a certain tree in the forest. In this one tree, an extraordinary treasure lies. Its branches cradle the nest of a five month old Philippine Eagle. Already endangered, the world's largest bird faces extinction with the destruction of its habitat. But the discovery of this eaglet's nest gives hope for the future of the "King of the Forests". Even with the many stories Jun has done as a reporter, the amazing sight of this eagle's nest still proves to be an experience like no other. Meanwhile, Doc Ferds is on another mission to save ailing wildlife. In Subic, where different animals roam freely alongside the highway, accidents happen. Lizards, snakes and Macaque monkeys fall victim to speeding vehicles. Doc Ferds visits a wildlife center to help these animals in distress. Don't miss this exciting episode of Born to be Wild this Wednesday after Saksi!
Ngayong Miyerkules, makakasama natin sa Born to be Wild ang mamamahayag na si Jun Veneracion. Sanay si Jun sa giyera at sa pagsabak sa maaaksyong balita, pero ibang klase ng laban ang tutunghayan ni Jun sa kaniyang paglalakbay - ang laban ng Haring Ibon para mabuhay. Sa kabundukan ng Zamboanga del Norte, abalang-abala ang isang grupo ng mga conservationist. Araw-gabi, sila'y nagka-kamping para pagmasdan ang isang punong may taglay na katangi-tanging yaman - ang pugad ng isang limang buwang gulang na sisiw na Philippine Eagle! Tinaguriang Haring Ibon dahil ito ang pinakamalaking agila sa buong mundo, ang Philippine Eagle ngayon ay kabilang na sa mga endangered specie at pinangangambahang mauubos na ang bilang. Pero pag-asa ang dala ng batang agila na natagpuan sa Zamboanga. Sa dami ng mga istoryang nagawa ni Jun bilang isang reporter, ang pagtuklas ng pugad ng hari ng lahat ng ibon ay sadya pa ring kamangha-mangha. Samantala, sasabak naman si Doc Ferds sa maaksyong pagsagip ng wildlife. Sa Subic, kung saan nagkalat lang sa tabi ng kalsada ang mga hayop gaya ng unggoy, bayawak at ahas, matutuklasan ni Doc Ferds ang isang banta sa kanilang buhay - ang mga rumaragasang sasakyan na kumikitil sa buhay ng iba't ibang wildlife. Sa isang rescue center sa lugar, tutulong si Doc Ferds sa paggamot ng mga hayop na nabiktima ng nakamamatay na daan. Huwag palalampasin ang isa na naming makabuluhang adventure sa Born to be Wild, ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi.
Tags: borntobewild