ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagbaba ng bilang ng mga nais mag-pari, siniyasat ng 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Mga Anghel sa Lupa, Inside Manila Cathedral, at Bokasyon

Airing Date: March 25, 2013

Mga Anghel sa Lupa



Laman lagi ng mga balita ang mga krimen at katiwalian sa ating lipunan. Mapapatanong ka tuloy, may pagpapahalaga pa ba tayo sa kabutihan? Sa pagsisiyasat ni Victoria Tulad napatunayan niyang meron pa ring  mga taong nagsilbing anghel dito sa lupa para sa iba, sa ginawa nilang pagsasakripisyo at pagtulong sa kapwa. 

Inside Manila Cathedral



Mahigit isang taon na mula nang isara sa publiko ang makasaysayang Manila Cathedral dahil sa napakarami nitong sira.  Sa kabila nito, isang ekslusibong tour ang binigay kay Micaela Papa para silipin ang mga natatago nitong yaman. 

Bokasyon



Naging tradisyon na sa ilang mga pamilya sa Hagonoy, Bulacan ang pagkakaroon ng pari sa kanilang angkan.  Kaya naman hindi na raw kataka-taka kung karamihan ng mga pari sa Pilipinas, dito nagmula.  Ngunit sa ulat ni JP Soriano inalam niya kung totoo nga bang kumokonti ang mga nais pumasok sa ganitong klase ng bokasyon.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi sa GMA News TV. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!