ADVERTISEMENT

Public Affairs

Vloggers at celebrities na delivery riders na rin, kilalanin sa 'Brigada'!

BRIGADA
December 12, 2020

9:15 PM sa GMA News TV

DELIVERY PO!
Reporter: Nelson Canlas


Viral at umani ng libu-libong likes and shares ang larawan ng isang delivery app rider sa Facebook. Ayon sa post ng kumuha ng litrato, ang rider daw sa likod ng helmet ay ang sikat na aktor na si Dingdong Dantes?! Inalam ng ating Ka-Brigadang si Nelson Canlas kung ang Kapuso primetime king nga ba ang nasa kumakalat na larawan. Samantalang, ang food delivery rider na si RJ Salonga, pinasok na rin ang vlogging. Kinaaliwan ng mga netizen ang mga prank video sa kanyang YouTube channel na Jawo Motovlog na may mahigit kalahating milyong subscribers na. Paglilinaw ni RJ, totoong  food delivery rider siya at hindi lang siya nangpa-prank. Minsan nililibre pa niya ng pagkain ang kaniyang mga customer. Ayon pa kay RJ, naging biktima rin siya ng mga bogus buyer.  Noong mag-umpisa ang pandemic naman, naapektuhan din ang buhay ni RJ, pero dahil sa pagiging food delivery rider at vlogger, nakapag-umpisa na rin siya ng maliliit na negosyo.


 

BALIK PROBINSYA
Reporter: Kara David


ADVERTISEMENT

Tuwing kapaskuhan, walang ibang hangad ang karamihan sa atin kung hindi ang makapiling ang ating mga mahal sa buhay. Pero dahil sa pandemya, may mga taong muntik nang mawalan ng pag-asa na makabalik sa kanilang mga pamilya. Nitong mga nakaraang buwan, sa Lawton Park sa lungsod ng Maynila, makikita ang mga homeless na nakahanap ng pansamantalang matutuluyan sa ilalim ng mga puno ng park. Pagsikat ng araw, hindi pagluluto ng almusal o pagpunta sa banyo ang unang ginagawa ni Aling Noralyn Lopez. Para magawa ito, kailanganin niya ng pera. Sa isang mesa sa parke, nilalatag nila ang kanilang mga lumang damit, hindi para itabi sa lalagyan kundi para ibenta. Dahil sa kondisyon ng pamilya, dinala sila ng aming team sa isang pasilidad sa Maynila kung saan sila magiging ligtas at makakatulog ng maayos. At bago sumapit ang kapaskuhan, nakabiyahe na rin sina Aling Noralyn at ang iba pang tulad niyang LSI o Locally Stranded Individuals pauwi ng kanilang probinsiya.

 



NOCHE BUENA DE LATA
Reporter: Darlene Cay


Ilang araw na lang Pasko na! At kahit may krisis, tuloy pa rin daw ang tradisyon ng Noche Buena. Para sa easy at affordable celebration, puwedeng gamitin ang mga favorite niyong mga de lata. Hindi mawawala ang spaghetti sa Paskong Pinoy. Kaya naman ang 28-years old madiskarte mommy na si Hazel, nakaisip ng tipid na version ng ating all-time favorite na spaghetti. Pagkatapos niyang igisa ang sibuyas, bawang, at hotdog, isinusunod na ang bida ng recipe, ang corned beef. Maya-maya ay pinaghalo niya ang sauce at pasta at ilang saglit lang ready to serve na ang kaniyang spaghetti corned beef. Isa pang budget-friendly recipe ang itinuro rin ni Hazel sa ating Ka-Brigada na si Darlene Cay, iyan ang isang healthy and tipid tuna nuggets. At ang bibingka, ang tinaguriang star ng Paskong Pinoy, puwede na ring lagyan ng twist, siyempre gamit pa rin ang ilang canned goods. Ang mga sangkap ng bibingka de lata ay giniling na malagkit na bigas, canned salmon at canned tuna.