ADVERTISEMENT

Public Affairs

Iba't ibang putahe mula sa dila ng baka, bibida sa 'Brigada' ngayong year of the Ox!

BRIGADA
January 9, 2021

9:15 PM sa GMA News TV

BALIK-ALINDOG
Reporter: Lala Roque


Kung pagiging fit and fab ang usapan, ang idol natin sa dance floor ay isa sa ating inspirasyon. Nakilala siya bilang leader ng grupong Sexbomb, si Rochelle Pangilinan-Solinap. Bukod sa husay sa pagsayaw, hinangaan din ang galing niya sa pag-arte. Kahit busy siya sa pagiging artista. Sinisigurado niyang may time siya sa kaniyang pamilya at isinasabay na rin niya ang kaniyang mga home exercise para iwas dagdag timbang. Ang kaniyang home exercise, ibinahagi niya rin sa dating kagrupo na si Aira Bermudez, at kalaunan binuo nila ang WAR o Workout with Aira and Rochelle noong July 2019.  Sinimulan nila ang isang digital fitness class sa mga nais maging fit and healthy kahit naka-quarantine. One hundred pesos lang ang bayad ng bawat estudyante niya kada session. Pero higit sa pera, good vibes at makatulong sa iba na may goal  maging fit ang pinaka motibasyon ni Rochelle sa pagtuturo.



 
DILA-LICIOUS
Reporter: Darlene Cay

ADVERTISEMENT


Isang chef at vlogger ang magtuturo sa atin ng mga abot-kaya at simpleng putahe mula sa dila ng baka o lengua. Nakilala siya sa pagiging kuwela at mga nakakatawang banat sa kanyang YouTube channel. Ang pinakakinahiligan ng followers niya, ang kanyang kakaibang paraan nang pagluluto, siya  ang sikat na food vlogger na si Ninong Ry. Para sa unang dish, ituturo niya sa atin ang pagluluto ng lengua creamy mushroom. Kailangan munang balatan at hiwain ang dila. At pagkatapos ay pakuluan ang dila sa pressure cooker ng isa’t kalahating oras at haluin lang ang mga rekado.  Ayon sa kaniya, ang kaniyang sikreto sa vlogging, ay i-enjoy lang ang pagluluto at maging natural sa harap ng camera. Ang ilan pa sa kaniyang mga niluto sa atin ay ang sisig  at ang paborito ng lahat na pares. Pero imbis na baka, ang gagamitin pa rin ay lengua.


#TravelGoals2021
Reporter: Kara David


Na-miss mo na bang gumala? Ganyan din daw ang pakiramdam ng ating newest Kapuso star. Bago pa mag-pandemya, nakapag-travel pa siya sa Singapore at Dubai, siya si Richard Yap. Extreme adventure ang hilig ni Richard at isa sa kaniyang bucketlist, ang skydiving sa Dubai. Hindi pa doon natatapos ang adventure ni Richard in Dubai. Pagkatapos mag-skydive, sinubukan din niya ang dune bashing sa Dubai Safari kung saan dumadausdos ang mga sasakyan sa gitna ng sand dunes. Madalas nga raw siyang mag-travel kasama ang kaniyang pamilya, mapa-abroad man o dito sa Pilipinas. Samantalang si Kara David naman, sinubukang magbisikleta sa ilang tagong trail ng Bataan.


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado sa iisang Brigada.