ADVERTISEMENT

Public Affairs

Estado ng Forensic Pathology sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Brigada'

BRIGADA
January 16, 2021

9:15 PM sa GMA News TV

NEW YEAR, NO MEAT

Matapos ang kabi-kabilang pagkain na naganap nitong holiday season, marami ang nag-e-effort ngayon para makamit ang kanilang fitness goals ngayong taon. Pero dahil mahirap ang page-ehersisyo, sa diet idinadaan ng ilan ang pagpapapayat. Hindi naman daw kailangang isakripisyo ang pagkain ng paborito ng marami na lechon belly, inihaw na liempo, chicken barbecue, at iba pang mga karne dahil mae-enjoy pa rin ang mga ito sa pamamagitan ng plant-based meat! Malaking tulong daw ito para sa mga umiiwas sa kolesterol dahil likas na healthy ang iba't ibang mga halamang sangkap na pinagmumulan nito! Mahuhulaan kaya ni Mav Gonzales kung alin sa mga pagkaing kanyang matitikman ang totoong karne at ang mga putaheng gawa sa plant-based meat?



 
FORENSIC PATHOLOGY SA PILIPINAS

ADVERTISEMENT

Sa paggulong ng imbestigayon ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, muling napag-usapan ang estado ng forensic pathology sa bansa.  Malaki kasi ang maitutulong nito sa paglutas ng mga kaso. Tinalakay nina Dr. Fortun at Chino Gaston ang mga kakulangan sa larangan ng forensic pathology at imbestigation dito sa ating bansa.

 



PAGSUBOK NI LANI

Malaking pagsubok ang pinagdaraanan ngayon ng Asia's Nightingale at isa sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa Pilipinas na si Lani Misalucha matapos magkaroon ng bacterial meningitis. Nagsimula lang sa pananakit ng katawan at sakit ng ulo, hanggang sa nauwi na ito sa pagkawala ng pandinig sa isang tenga na labis na nakaaapekto raw sa kanyang pagkanta. Bukod dito, nagkaroon din daw siya ng vestibular dysfunction na nagdudulot sa kanya ng pagkawala ng balanse. Sa kabila nito, marami pa rin daw dapat ipagpasalamat, dahil nananatili pa rin siyang buhay kahit pa malaki ang posibilidad na ito na rin ang hudyat ng pagtatapos ng kanyang karera. Ibinahagi niya kay Kara David ang kanyang kwento.



Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:15 ng gabi, sa iisang Brigada.