ADVERTISEMENT

Public Affairs

BRIGADA

Tattoo artist na gumagawa ng diorama, itatampok sa Brigada!

BRIGADA
Airing Date: June 4, 2022


PINAGTAGPO AT ITINADHANA
Sa paaralan unang nag-krus ang landas ng magkaklaseng sina Pau at Shai, hanggang nauwi ang kanilang relasyon sa pagiging mag-asawa. Para sa kanila, tila nakatadhana na raw ang kanilang pagsasama dahil sa dami ng things in common na mayroon sila. Pareho kasi sila ng araw at taon ng kapanganakan, at nadiskubre nilang pareho rin pala sila ng kumadronang nagpaanak sa kani-kanilang mga ina. At para maging mas espesyal, itinaon nila ang kanilang kasal sa mismong araw ng kanilang kaarawan. Ikinuwento nina Pau at Shai ang kanilang unique love story kay Athena Imperial.
From classmates to friends to husband and wife, Pau and Shai’s love story seems to be destined since birth. They have the same birth date and their mothers were handled by the same midwife! To make it even more special, they set their wedding on the day of their birth. Athena Imperial shares this inspiring story.

 

 
 
MUNTING OBRA NI NHODA
Kagaya ng karamihan sa atin, malaki ang naging epekto ng pandemya para sa tattoo artist na si Nhoda. At dahil nakaranas siya ng matinding depresyon dahil sa laki ng nawala niyang kita, naisipan niyang gumawa ng mga obra para kahit paano ay malibang ang kanyang problemadong isipan. Nagsimula siyang gumawa ng mga diorama o maliliit na modelo ng mga barung-barong, at talaga namang pumatok ito dahil sa makatotohanang detalye tulad ng kinakalawang na yero at pinagtagpi-tagping mga piraso ng kahoy. Tumulong si Lala Roque sa paglikha ni Nhoda ng pinakabago niyang munting obra.
Like most of us, the pandemic had a big impact for Nhoda, a tattoo artist. After experiencing severe depression because of sudden income loss, he thought of delving into making art to cope. He started making dioramas or small scale models of shacks, which eventually became a hit because of its realistic details such as rusty galvanized iron roofs and worn pieces of scrap wood walls. Lala Roque helps Nhoda create his latest tiny but amazing artwork.
 
 
BREAST IMPLANT ILLNESS
Kamakailan lang, muling nag-viral ang modelo at aktres na si Ellen Adarna dahil sa pag-amin niyang ipinatanggal na niya ang nakakabit sa kanyang breast implants. Nagdesisyon siyang gawin ito matapos makaranas ng ilang karamdamang kaakibat ng pagkakaroon ng breast implants, tulad ng pagkahapo at pananakit ng likod. Taliwas ito sa kadalasang ninanais ng ilan na mas malaking hinaharap. Para sa mga nagpatanggal ng breast implants, higit na mas mahalaga ang natamo nilang benepisyo sa kalusugan kaysa sa magandang pagtingin sa kanila ng kapwa. Dibdibang usapan ang tinutukan ni Nelson Canlas.
Model and actress Ellen Adarna recently went viral after admitting that she had her breast implants removed. She made the decision  after experiencing ailments associated with having breast implants, such as fatigue and back pain. This is in stark contrast to what some women desire in terms of having large breasts. For those who have had breast implants removed, the health benefits they gain far more outweigh being desirable to others.

Nelson Canlas talks to women who bravely faced the removal of their breast implants.

ADVERTISEMENT

 

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.