ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
2009 New York Festivals Finalist On Sine Totoo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on February 21, 2009 Saturday, 11:30 p.m. It is said that a more accurate reflection of a country's state can be found in the condition of its children. GMA News and Public Affairs has always taken a vital role in exposing the true plight of Filipino kids. This Saturday's Sine Totoo features a gripping episode on an abused child and a group of child laborers. Winning a Finalist Certificate at the 2009 New York Festivals for the program Emergency, the cases featured here are unforgettable. Emergency host Arnold Clavio finds seven-year old Andrea confined at the Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital. The child can barely move as her entire face and body are covered with bruises. She was hit with a hammer, and burned with a clothing iron and cigarette butts ... by her own grandmother! The intense emotional and physical trauma Andrea must overcome is heartbreaking. Emergency also documents Payatas children who have found a dangerous way to scavenge for garbage. Instead of working at the dumpsite where they face competition from too many other scavengers, the children jump onto moving garbage trucks headed to the site. The children get first dibs at the junk but also endure life-threatening accidents from jumping on broken glass and exposed metals and falling by the roadside. One child meets his death in this manner. As part of this episode, Sine Totoo host and veteran broadcast journalist Howie Severino explains the rules that GMA News and Public Affairs follows in the production of sensitive stories about children for television.
Sinasabing masasalamin ang tunay na kalagayan ng isang bansa sa kalagayan ng kanyang mga bata. Sa paglipas ng mga taon, naging mahalaga ang telebisyon sa paglalahad ng kalagayan ng mga bata, upang makatawag sa pansin ng mga otoridad. Ngayong Sabado ng gabi, alamin mula kay Howie Severino ng Sine Totoo ang mga pangunahing dapat isaalang-alang sa paggawa ng storya sa telebisyon ukol sa mga bata. Mapapanood sa Sine Totoo ang "Jumper Kids" at "Batang Inabuso" ng Emergency ni Arnold Clavio, na nagkamit ng Finalist Certificate sa New York Festivals ngayong taon. Natagpuan naman nio Arnold Clavio ng Emergency sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang pitong taong gulang na batang si Andrea. Hindi halos makagalaw ang bata dahil sa dami ng sugat sa buong katawan. Sa bawat maliit na pagkakamali ng bata, kinukurot at pinapalo siya ng martilyo, at pinapaso ng sigarilyo at plantsa! At ang gumagawa nito . ang sarili niyang Lola. Sa tindi ng pagpapahirap na sinapit ni Andrea, hindi lamang ang mga sugat sa katawan ang kailangan niyang paghilumin, kundi maging ang emosyonal na trauma na dulot nito sa kanya. Nakahanap naman ng paraang kumita ng pera ang ilang bata mula sa Payatas. Sa halip na mangalakal ng basura kasabay ng maraming tao sa dump site, hinihintay nila ang pagdaan ng mga trak ng basura sa Litex Road. Sumasampa sila at umaakyat sa trak habang umaandar ito. Pero ang resulta ng pagmamadali, sari-saring aksidente at ang pagkamatay ng isang bata. Ang award-winning episode na ito, wag palampasin sa Sine Totoo, ngayong Sabado ng hatinggabi sa GMA.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular