ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Glorietta mall blast


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 24, 2007 Wednesday late night after Saksi Umabot na sa labing-isa ang namamatay habang mahigit sa isang daan ang naitalang sugatan sa tinaguriang "Glorietta Bombing" noong Biyernes. Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ang insidente bagamat duda ang ilang grupong nag-iimbestiga na dulot ng isang bomba ang naturang pagsabog. Wala raw kasing nakuhang bomb fragments o bahagi ng bomba sa lugar ng pinangyarihan. Sa isang pahayag na ipinalabas ng kampo ni Sen. Antonio Trillanes IV, ang naturang pambobomba ay gawa raw nina National Security Adviser Norberto Gonzales at AFP Chief Hermogenes Esperon - inihalintulad ni Trillanes sa umano'y Oplan Greenbase noong 2003 sa Mindanao kung saan pakana raw ng administrasyong Arroyo ang ilang mga sunod-sunod na pambobomba na kumitil ng maraming inosenteng buhay. Ayon pa kay Trillanes, ang istratehiyang ito ay pakana ng pamahalaan upang malayo ang atensyon ng taumbayan sa mga isyu ng katiwalian na ibinabato ngayon laban kay Pangulong Arroyo. Ano nga ba ang katotohanan sa nangyaring pagsabog sa Glorietta? May basehan nga ba ang paniwala ng ilan na isa lamang itong panlinlang para malimutan ang ilang isyung ibinabato sa pamahalaang Arroyo? Samahan sina Malou Mangahas, Miriam Quiambao at ang guest host na si Ali Sotto, dito lang sa programang walang inaatrasan... Palaban!