ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
The Arroyo impeachment complaint dissected
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 14, 2007 Wednesday late night after Saksi Sa huling episode ng Palaban ngayong Miyerkules, mag-iiwan ang sina Mareng Winnie, Malou Mangahas at Miriam Quiambao ng isang napapanahon at makabuluhang diskusyon na mahalagang pag-usapan ng bayan. Tatalakayin ang inihaing impeachment laban kay Pangulong Arroyo, at sisiyasatin ang mga maaaring kahinatnan ng reklamo laban sa Pangulo. Impeachment laban kay Pangulong Arroyo, susuportahan mo ba? Nitong Oktubre lang, naghain ng impeachment complaint sa Kamara si Atty. Roel Pulido laban kay Pangulong Arroyo. Umani ito sa pagbatikos mula sa Oposisyon. Ayon kasi sa grupo, mahina ito kung kaya kailangan pa ng supplemental complaint para patibayin ang reklamo nang hindi magaya sa mga naunang inihain na ibinasura lang. Sa hearing ng Komite noong Lunes, matindi ang naging debate kung tatanggapin ba ang supplemental complaint na isinumite ng oposisyon. At dahil tila mas marami ang mga kaalyado ni Pangulong Arroyo, tuluyan itong naibasura sa botong 29-7. Naging dahilan ito para mag-walkout ang mga congressman mula oposisyon. May mangyayari kaya sa pinakabagong impeachment laban sa Pangulo? Paramihan pa rin ba ng kaalyado ang labanan? Kung ikaw ang tatanungin, panibagong impeachment laban kay Pangulong Arroyo, susuportahan mo ba? Huwag palampasin ang pinakahuling pagtatanghal ng Palaban ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa GMA.
More Videos
Most Popular