ADVERTISEMENT

Public Affairs

Lolang mahilig sa Mobile Legends, kilalanin!

IRL
Thursday, November 26, 2020

9:15 PM on GMA News TV

G na g na ba kayong gumala kasama ang pamilya at barkada? Chillax lang dahil kahit tag-ulan, achieved pa rin ang thrill and adventure sa mga indoor activity kasama ang IRL barkada!

 

 

Dahil miss na miss na nilang mag-travel at mag-hiking, nilibot nina Jana at Angela ang Metro Manila para sa mga fun-filled indoor adventure!

Napasabak sila sa “bouldering” o indoor wall climbing sa The Bouldering Hive sa Makati City. Pero bukod sa pisikalang akyatan na walang harness, mas “mind game” daw ang bouldering dahil mababa man ang kailangang akyatin, para naman daw puzzle ito na kailangang i-solve! Pumasa kaya ang mag-BFF sa kanilang test of friendship?

 

 

Napasabak naman sila sa spartan training sa Obstacle Central sa Quezon City. Kinaya kaya nina Angela at Jana ang paglambitin sa monkey bars, pagbato ng spear sa target, at pagbubuhat ng concrete ball sa kanilang obstacle course?

 

ADVERTISEMENT

 

Streaming is in naman para sa mga gamer na tulad ng Kapuso actor at IRL co-host na si Khalil. Silipin kung ano ang nasa gaming starter kit niya, at kung bakit nga ba marami ang nahihilig mag-stream habang naglalaro.

 

 

Online gaming all day, everyday? Silipin din natin ang buhay sa loob ng boot camp ng professional gamers na Team Onic Ph! Alamin kung magkano ang kinikita ng mga professional players, at kung paano ang paghahanda nila para sa mga international gaming competition.

 

 

Sasabak naman sa love talk ang IRL couple na sina Gabbi at Khalil sa kanilang Never Have I Ever challenge! Sino kaya ang nang-ghost? Ang nagkaroon ng relationship na walang label? Magkakaalaman na!

 

 

Panoorin ang pinakabagong hangout tuwing Huwebes, ang IRL, ngayong November 26, 9:15 PM sa GMA News TV.