ADVERTISEMENT

Public Affairs

'Marlon Fuentes TV', ngayong Lunes sa 'Stories of Hope'

Stories of Hope: Marlon Fuentes TV
March 29, Lunes ng gabi pagkatapos ng SAKSI

 

 

 

ADVERTISEMENT

 

Pitong taong gulang pa lamang si Marlon Fuentes nang una niyang maramdaman ang mga ‘tics’ o ang hindi boluntaryong paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng mukha at katawan. Ayon kay Marlon, para raw itong kati na kailangang kamutin. Natuto si Marlon na huwag pansinin ang panunukso at pambubully ng ibang tao dahil sa kanyang kalagayan.

Matapos kumunsulta sa doctor, nalaman niyang mayroon siyang Tourette Syndrome, isang neurodevelopmental condition na nagdudulot ng mga tics.

Sari-saring pisikal na trabaho na ang pinasok ni Marlon mula construction, pagbubuhat at ngayon, pagmamaneho. Hindi raw kailanman naging hadlang ang kaniyang kondisyon.

Nang makaipon para makabili ng cellphone, sinimulan niya ang 'Marlon Fuentes TV', isang vlog tungkol sa kaniyang buhay at pakikipagsapalaran. Pangarap niyang mabigyan ng awareness ang publiko sa Tourette Syndrome.

Sundan ang kanyang kuwento ng pag-asa sa “Stories of Hope”, Lunes ng gabi, March 29  pagkatapos ng Saksi sa GMA.


ENGLISH:

Marlon Fuentes was 7 years old when he had the first tics. He was bullied, talked about, and was generally an outsider but he learned to live with his condition. A few years ago, he went to see a specialist and learned that he has Tourette Syndrome, a neurodevelopmental condition characterized by motor or vocal tics. He had done manual labor all his life, working in construction, lifting, and now as a driver. He says that his condition never interfered with work. Marlon recently started vlogging, showing his days and life online through  Marlon Fuentes TV and wants to raise awareness about Tourette Syndrome.