ADVERTISEMENT

Public Affairs

“Lechoneros” bibida ngayong Linggo sa ‘Stories of Hope’!

 

 

STORIES OF HOPE: “LECHONEROS”
July 11, Linggo ng hapon, 4:35 PM sa GMA

Kung selebrasyong Pinoy din lang pag-uusapan, tiyak laging bida ang lechon. Mula lechong baboy, hanggang sa usong uso na lechong baka, pati na rin seafood lechon — ano man ang hanap mo, may lechon para sa'yo.

 


 


Kilala sa pagiging lechon capital ng bansa ang La Loma. Ayon sa mga lechonero dito, apektado ng pandemya ang kanilang benta. Dumagdag pang pahirap sa kanilang industriya ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever o ASF. Paano nga ba sila bumabangon ngayon?

ADVERTISEMENT

 

 


 


Sasamahan tayo ni Chef Jose Sarasola para tikman ang mga patok na lechon ngayon at ang kanilang iba’t ibang mga paandar. Mula sa iba’t ibang kulay na mga lechon, hanggang sa vegan o plant-based lechon at marami pang iba. Lahat ay nagpapamalas ng pagiging mapamaraan at malikhain ng Pinoy cuisine.

 


 

Halina’t matakam at mamangha sa mga kwento ng pag-asa ng mga 'LECHONEROS' sa Stories of Hope ngayong Linggo, 4:35PM sa GMA Network.