ADVERTISEMENT

Public Affairs

Healthy na, chikiting-friendly pa na recipes , ihahain ngayong Huwebes sa ‘In Real Life’!

 

 

Masusustansiyang pagkain na hindi lang masarap, chikiting-friendly pa ang ihahain namin sa inyo ngayong Sarap O’clock Thursday!

Sino’ng mag-aakala na ang paborito nating ka-partner ng lugaw na tokwa, pwede ring gawing pizza? Perfect para sa merienda ng mga bata!

 

 


 


At ang pambansang de lata ng Pilipinas na sardinas, pwedeng i-level up into sardinas dumpling na siguradong kaaaliwan ng mga chikiting!

 


ADVERTISEMENT

Ang ampalaya pwedeng gawing tempura! Katakam-takam ang Ampalaya con Carne Tempura na inihain ni Gabbi Garcia para sa buong pamilya.

 


At kung masustansiya ang panulak, dapat masustansiya rin ang pambara! Alamin kung paano gumawa ng masusustansiyang juice na hindi kailangang masakit sa bulsa!

 

 

Bumilib naman sa mga kuwentong trending na hinangaan ng maraming netizen! Ang plantotoy na si Ken dela Cruz, 13 years old pa lang, kumita na ng P100,000 sa pag-aalaga at pagbebenta ng mga halaman!

 


Wala namang hindi maaabot na pangarap para kay Elena Satairapan dahil sa kabila ng hirap, nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management sa edad na 58.

 


Abangan lahat ng iyan sa 'In Real Life' kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6 PM sa GTV!