Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pansit Showdown at Bagong Adventure sa Quezon!


BIYAHE NI DREW: Pansit Showdown at Bagong Adventure sa Quezon!
Friday, July 23, 2021
6PM GTV


Bago ang foodventure, puwedeng dayuhin ang isang budget-friendly destination sa Quezon. Iyan ang Unisan. Camping sa beach? Puwede! Mayroon din namang ibang matutulugan na native huts! Kasama na riyan ang pagtikim ng mga ipinagmamalaking putahe ng Unisan na dinilawang manok at puto bao.

 



Para maranasan ang Quezon feels, puwedeng subukan ang pag-ihaw ng saging ginanggang sa bahay. Isa itong street food na matatagpuan sa Quezon.

 


Pero bukod dito, angat na angat talaga ang pagkain ng mga taga-Quezon. Kagaya lang ng Pansit Habhab ng Lucban at ang Pansit Chami ng Lucena. Parehong masarap at nakakabusog ang dalawa pero ano kaya ang mananalo sa BND pansit showdown?

 



Hindi rin magpapahuli ang mga panghimagas. Nariyan ang yema cake, pianono, pinagong at broas! Susubukan ni Drew na magluto ng sarili niyang bersiyon ng classic favorite na pastillas. Pumasa naman kaya ang mga ito sa kaniyang mga chikiting?

 


Magpakabusog sa biyaheng Quezon. Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV!                                                   

-----

Drew Arellano goes on a Quezon food trip by sampling the famous Pansit Habhab and Pansit Chami, munching on various delicacies like pianono, pinagong, and tikoy, and cooking his own version of pastillas and saging ginanggang.