Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
On Record

Viral Tiktoker na si Ms. Feelingera at #StrangerPhotoshootChallenge, ibibida sa On Record!


 


 

Program: ON RECORD
Schedule of Airing: August 1, 2021

MS. FEELINGERA

May 1.2 million TikTok followers ang 23-taong gulang na si Norelie Pesquira o mas kilala bilang Inday. Nagbabakasakali kasi siya na mapanood ng kaniyang ina ang mga ginawa niyang skit na naka-upload sa kaniyang Tiktok account na Ms. Feelingera. Ayon kay Inday, isang taong gulang pa lang siya nang magtrabaho sa ibang bansa ang kaniyang ina. Sa loob ng mahigit 20 taon, wala raw siyang ibang inasam kung hindi makita ang ina. Hinanap ng On Record ang ina ni Inday na si Sherly Sollano Sumili. Magkita na kaya ang mag-ina makalipas ang dalawang dekada?

 

 
 
“YOUR HAIR DOESN’T DEFINE YOUR BEAUTY.”

Ang dating suki ng mga beauty pageant at modeling na si Marjorie Viñas ay nagpakalbo. Ipinost niya ito sa kaniyang Youtube channel. Ano ang dahilan niya para gawin ito?
 

 

LOVE NOTES

Kiligin sa bonding moments ng mag-asawang Alex at Evangeline Besana. Sa video na inupload sa Tiktok ng kanilang anak na si Fraulein, mapapanood ang notes na ginawa ni Alex mula sa mga librong binasa niya. Isinusulat ni Alex sa papel ang mga detalye ng kuwento na tumatatak sa kanya. Araw-araw, sabik na hinihintay ni Evangeline ang asawa na umuwi mula sa trabaho para makinig sa kaniyang mga kwento.

 

 
 
#STRANGERPHOTOSHOOT

Sa Baguio City ay sinubukan ng photographer na si Elijah Calara ang trending sa TikTok na  #StrangerPhotoshoot challenge. Ang madalas niyang mga kinukuhanan ay mga kabataan. Pero isang araw ay umagaw ng atensyon niya ang mag-asawang Ramon at Elizabeth. Nakaupo ang dalawa sa open space sa isang mall. Pareho nang retirado ang dalawa at nagbabakasyon lang sa lungsod. Kilalanin ang mag-asawa at alamin kung paano nagsimula ang kanilang love story.

 

 

 
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Linggo, 5:20 PM sa GMA.

 

ENGLISH VERSION

 

Twenty-three-year-old Norelie “Inday” Pesquira uses Tiktok in the hopes of finding her mom, who left for abroad more than 20 years ago. She hasn’t returned home since then. On Record asked the help of government agencies and local government units to track down the whereabouts of Norelie’s mother. Will the two finally reunite after two decades?

 

Marjorie Viñas, a former pageant contestant and model, shaved her head. She uploaded a video shaving her head on her Youtube channel. Know the underlying reason behind this gesture.

 

Every day housewife Evangeline excitedly waits for her husband Alex to come home from work. Alex jots down details on a piece of paper of the novel he is currently reading and shares them with Evangeline before bedtime. This tender moment between the two was caught on record by their daughter and uploaded the video on TikTok.

 

Photographers on TikTok are giving strangers free portraits. They go up to strangers on the street and ask them to pose for a photoshoot. Tourism student Elijah Calara takes on the challenge.  He asks an elderly, long-married couple to volunteer as models for him. Get to know the couple in this feature and find out what the resulting photos look like.

 

Catch On Record every Sunday at 5:20 PM on GMA.