Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Extended summer in Barili, Cebu with 'Biyahe ni Drew'!


BIYAHE NI DREW: Extended Summer sa Barili, Cebu!
Friday, August 6, 2021
6PM GTV


Pagod na ba sa tila walang patid na ulan? Sumama na lang sa Biyahe ni Drew sa Barili, Cebu kung saan tuloy-tuloy ang sikat ng araw!

 

 

Uumpisahan ng Team BND ang biyahe sa Mantayupan Falls na nakakalula ang taas. Sunod, bibisitahan nila ang isang fishing and family resort na paboritong pasyalan dito. Bukod sa fishing, may horseback riding din!



Mamangha rin sa isang resort na maganda na nga, nakakamangha pa ang view mula rito. Isang resort kung saan solo ng buong pamilya niyo ang tanawin mula sa itaas ng bangin.

 

 

Para sa isang madaliang cooking session, susubukan ni Drew na magluto ng isang classic dish ng Barili, ang matamis na pinato na gawa sa mani, muscovado, at kalamansi. Nariyan din ang mga dish na gawa sa mais!

 

 

Susubukan din niya ang galing niya sa kusina sa pamamagitan ng pagluluto ng linarang o Cebuano version ng sinigang gamit ang tanigue at ang pampaasim ng mga taga-Barili na iba.

 


Sabit na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV!                                                      

----
Biyahe ni Drew travels to Barili, Cebu to explore Mantayupan Falls, go on adrenalin-pumping adventures, and cook Barili classic dishes such as pinato and linarang.