Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mag-relax sa Sorsogon with 'Biyahe ni Drew'


BIYAHE NI DREW: Relax Tayo sa Sorsogon

Friday, September 17, 2021
6PM GTV

 
Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa isang nakakarelaks na biyahe sa Sorsogon.

 

 

Sa tulong ng isang BND biyahero correspondent, uumpisahan ang biyaheng Sorsogon sa isang food trip. Una sa menu ang timitim sa bayan ng Gubat. Gawa ito sa balinghoy, gata, powdered milk, itlog, at pili. Sunod ang original yema buko pie at siyempre, ang special homemade hinagom ni Drew.

 


Kasama rin dito sa pampa-relax ay ang comfort food. Para kay Drew, kahit anong ulam na may gata ay gata-rrific! Kaya ang baluko ng Sorsogon ang bida sa gata dish na ibabahagi ni Drew.

 


At dahil biyaheng chillax, bibisitahin ng Team BND ang isang bee farm kung saan may honey tasting, water activities, at day hiking sa Bulusan Lake. Pero kung mas mediterranean ang hanap ninyo, puwede ring dumiretso sa mala-Santorini na resort sa Sta. Magdalena.

 


Handa na bang mag-relax? Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV.

-----

Join Biyahe ni Drew's laidback trip in Sorsogon as the team explores a bee farm, gets to know the locals in Buenavista Beach, swims with protected sea creatures in Prieto Diaz Mangrove Park, and munches on Sorsogon specialties like timitim, yema buko pie, and hinagom.