Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
On Record

“Beauty queen na, athlete pa,” kilalanin sa On Record!


 


On Record

Airing Date: September 19, 2021

MEWING AT NOSE PINCHING

Pangarap ng 16-year-old na si Liszt Manuel na magkaroon ng perfect jaw line at matangos na ilong. Noong nakaraang taon habang nanonood ng mga glow up videos online, natuklasan niya ang tungkol sa mewing at nose pinching. Ang mewing ay isang technique kung saan ididikit ang dila sa ngalangala habang nakasara ang bibig. Kapag ginawa raw ito nang paulit-ulit ay mababago raw ang hugis ng panga. Ang nose pinching naman ay ang palagiang pagpisil sa ilong para tumangos daw ito. Matapos ang isang taon, naging effective kaya ang glow up practice na ito ni Liszt Manuel?

 


BEAUTY REDEFINED

Patok sa TikTok ang videos ng 25-year-old na si Judy Ann Benico. Mayroon siyang halos isang milyong followers at may limang milyong likes naman ang kaniyang account. Naging daan din ang TikTok para makilala ni Judy Ann ang kaniyang boyfriend. Sa kabila ng mga papuri at paghanga, maraming netizens ang naiintriga sa kaniyang hitsura. Dahil si Judy Ann…may facial deformity. Ano ang sanhi nito? Ang kaniyang kondisyon ay ibabahagi mismo ni Judy Ann.

 

 
BEAUTY QUEEN ATHLETE
Hindi lang sa pagrampa sa mga beauty pageant mahusay ang 26-year-old na si Cherry May Regalado. Astig din siya pagdating sa martial arts na Pencak Silat. Bahagi siya Philippine Team delegation sa Belgium Open noong 2019. Nakamit niya ang silver medal sa Pencak Silat competition. Maliban sa medalya ay nasungkit din niya ang korona bilang Ms. Ati-Atihan 2021.
 

CHARADES

Word guessing game naman ang sinubukan nina Oscar Oida at Mav Gonzales. Sino kaya ang mananalo sa larong ito? 

Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Linggo, 5:20 PM sa GMA.

 

ENGLISH VERSION

To achieve a sharp jawline and make her nose taller, 16-year-old Liszt Manuel tried mewing and nose pinching. Mewing is a technique that some people claim can improve the jawline by placing the tongue against the roof of the mouth while closing the lips and setting the teeth together. If practiced consistently, results can be visible within 1-2 years. While nose pinching is an exercise that some people believe can reshape the nose. After a year of doing these techniques and exercises, Liszt posted a video on TikTok which showed her mewing transformation results.

Despite her facial deformity, 25-year-old Judy Ann Benico continues to amaze and inspire her close to a million followers on TikTok. She also met her boyfriend on TikTok. She shares her journey to self-acceptance.

National athlete Cherry May Regalado becomes Ms. Ati-Atihan 2021. Aside from her great skills onstage, she also has a knack for martial arts. She’s a member of Pencak Silat Philippine Team and won a silver medal at the Belgium Open in 2019.

Oscar Oida and Mav Gonzales try Charades, a word guessing challenge. Find out what’s in store for the non-winner in this fun game.

Catch On Record every Sunday at 5:20 PM.