Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
good news

Mini food trip, Rizal adventure at healthy sitaw recipes, tampok sa Good News!


Good News Kasama si Vicky Morales

September 27, 2021

Mini Food Trip!

Maliliit na pagkain para sa bigating sikmura? Pwedeng pwede 'yan sa nadiskubre ni Love Añover na mga bagong pagkain. Pero ang una niyang sinubukan, ang pagluluto ng sinigang sa kusinang pang-doll house ang liit. Para makumpleto ang mini food trip, tinikman niya ang mini burgers at donuts na dambuhala naman sa sarap.

Pasyal sa Rizal!

Isang tumbling lang mula Manila ang pasyalang espesyal...ang probinsya ng Rizal. Samahan si Maey B sa paglilibot sa iba't ibang bayan nito. Inumpisahan niya ang larga sa isang resort sa Tanay na mala-Bali, Indonesia ang ambiance. Para sa extreme adventure, sinubukan naman niya ang paragliding sa Cardona. At dahil nagutom si Maey, binisita niya ang isang al-fresco restaurant sa Antipolo na may view ng Manila skyline.

Hataw ang Sitaw!

Sa simpleng sitaw, kayo'y mapapa-wow. Taglay kasi nito ang samu-saring sustansya na patok sa kalusugan. Pero para maging mas patok ito sa panlasa, binigyan namin ng bagong bihis ang sitaw sa hapag-kainan. Alamin kung paano lutuin ang panalong sitaw recipes tulad ng Cheesy Garlic Sitaw, Gingered Sitaw Rice at Tuna Sitaw Penne.