Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJuander

Ano-ano ang mga kakaibang libingan sa loob at labas ng bayan ni Juan? Abangan ‘yan sa IJuander.


I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA KAKAIBANG LIBINGAN SA LOOB AT LABAS NG BAYAN NI JUAN?

Para sa unang bahagi ng 2-part Halloween Special ng I Juander, matutunghayan ang mga natatanging sementeryo sa loob at labas ng bansa.

Sa taga-Tabuk City sa Kalinga, ang himlayan ng kanilang mga yumao, iba sa karaniwan. Imbis kasi na pahaba, kakaiba ang disenyo ng mga nitso rito, may hugis leon, eroplano, cake at may hugis sapatos pa kung saan may kinalaman sa kung ano ang hilig ng yumao.

 

 

Pero hindi lang sa Pilipinas makakakita ng kakaibang mga sementeryo. Sa bansang Romania, hindi lungkot kundi good vibes daw ang hatid ng mga kakaibang nitso sa tinatawag nilang Merry Cemetery. Makukulay kasi ang disenyo ng mga ito at imbis na madramang mensahe, may halong pagpapatawa ang mga nakaukit sa puntod.

 


Sino naman ba ang mag-aakala na sa ilalim ng Paris, France, matatagpuan ang mga lagusan kung saan may nakalagak na mahigit pitong milyong kalansay? Samahan ang OFW na si Leona na libutin ang makapanindig balahibong Catacombs De Paris.

Samantalang sa bansang India, isang restaurant ang itinayo sa ibabaw mismo ng sementeryo. At imbis na alisin ang mga puntod, inaalayan pa ang mga ito at nililinisan. Ito ang pupuntahan mismo ni Bimbo na dalawang taon nang naninirahan sa India. I Juander, ganahan kaya siyang kumain katabi ang mga puntod na itinuturing na pampasuwerte?

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan: I juander, ano-ano ang mga kakaibang libingan sa loob at labas ng bayan ni Juan?